^

Pang Movies

Male celeb nalalaos na, kontrata sa kanyang network hindi na ni-renew

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagpaparamdam na ang male celebrity na ito na puwede na siyang kunin ng ibang TV network dahil wala na nga raw siyang kontrata sa TV network na matagal niyang pinagsilbihan.

Hindi na raw ni-renew ang kanyang kontrata at medyo nadismasya nga ang male celebrity dahil patunay lang iyon na hindi na siya asset ng naturang TV network. Panahon na raw na mag-move on siya.

Ang problema nga lang ay tila hindi rin naman interesado ang ibang TV network sa kanya. Bukod sa may edad na siya, marami nang mga mas batang mga artista na mas may karapatang mabigyan ng kontrata.

Kahit nga raw mga guestings lang ang hiling ng male celebrity dahil matagal na raw siyang walang pinagkakakitaan since matapos ang kanyang kontrata early this year.

Pinagkakakitaan na lang daw niya ay mga shows sa probinsiya kung saan patok pa rin siya.

Pero siyempre, hindi naman araw-araw ay may show siya sa probinsiya. Kailangan din niya ng stable na income dahil may mine-maintain siyang magarbong lifestyle.

Kung hindi nga siya makakakuha ng isang pagkakakitaan na regular, malamang na magsimula na siya na mag-cutback sa kanyang lifestyle.

Yung mga nakasanayan na niyang gawin na may pagkamaluho ay pagpapaliban muna niya dahil magiging priority niya ang mga importante tulad ng maintenance ng kanyang bahay, pagkain at ilang mga bayarin tulad ng kuryente, telepono, at tubig.

Bamboo Flower huling pelikula sa dating Bohol

Dalawang beses kaming nakarating sa Bohol at sobra kaming napahanga ng naturang probinsiya dahil sa napakagandang pag-alaga nila sa kalikasan.

Na-maintain nila ang ganda at linis ng ilog, ang mga lumang simbahan at ang world famous na Chocolate Hills.

Nakakalungkot lang na sa isang iglap ay masisira ang mga ito dahil sa isang matinding lindol.

Hindi kami aware sa tindi ng lindol na iyon hangga’t nakita namin ang mga photos na nagibang mga simbahan at pagguho ng observation deck sa Chocolate Hills. Ultimo ang ilang Chocolate Hills ay nabitak at nasira dahil sa lakas ng lindol.

Agad naming pinadalhan ng text message ang mga kilalang taga-Bohol na sila Direk Maryo J. Delos Reyes at ang Starstruck 4 Avenger na si Rich Asuncion.

Kapwa sila sumagot na okey naman daw ang pamilya nila roon at walang nasaktan. Pareho nga lang silang nalungkot dahil hindi nila naisip na mangyayari ang ganun sa kanilang pinakamamahal na hometown.

Kelan nga lang ay pinakita sa indie film na Bamboo Flower ni Direk Maryo ang ganda ng Bohol.

Ngayon ay marami ang nagdarasal na muling makabangon ang probinsiya at maging ang Cebu na naapektuhan din ng lindol.

Rhian nabawasan na ang oras kay KC

Matagal ding napahinga si Rhian Ramos sa paggawa ng teleserye at maganda ang pagbabalik niya sa primetime ng GMA 7 via Genesis.

Huling napanood si Rhian ay sa Indio at nagpahinga muna siya pagkatapos no’n.

“Napagod din kasi ako doing Indio. Bukod kasi sa costume that I have to wear sa tapings, naging every day ang taping because we were working around the schedule of Sen. Bong Revilla.

“Kung kelan siya puwede, dun kami nagti-taping. Nataon na kailangan araw-araw para may maibangko kami. May week kasi na walang taping because he was so busy.

“Kaya when it ended last May, I went on a vacation. We started taping for Genesis noong last week of August na. Kaya matagal din akong nakapahinga.”

Second team-up na nga nila ito ni Dingdong after Stairway to Heaven in 2009. Dapat ay magkasama sila sa My Beloved pero pinalitan si Rhian ni Ma­rian Rivera.

“It’s been four years at wala namang nabago kay Dong. He’s still very good and very handsome!

“Mas mature na ang role namin kasi this time nanay na ako. First time ko to play a mother kaya ibang-iba itong Genesis sa akin.”

Okay naman daw ang relasyon nila ng boyfriend niyang si KC Montero.

“He’s very supportive. Alam niyang super busy ako doing Genesis kaya nabawasan ang time ko sa kanya. Babawi naman ako sa trabaho dahil more than three months din akong nagpahinga.

“Tsaka very demanding ang mga eksena namin sa Genesis. Puro big scenes at malalayo ang locations namin.

“Kaya I told KC to be patient with me because I need to work. Naiintindihan naman niya ako.”

    

 

BAMBOO FLOWER

BOHOL

BONG REVILLA

CHOCOLATE HILLS

DAHIL

RHIAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with