^

Pang Movies

Inggit ang nararamdaman, celebrity suspek sa paninira kay Megan

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Malaking trabaho ang gagawin ni Megan Young bilang Miss World 2013. Involved siya sa mga gawaing kawanggawa sa at least 30 bansa sa buong daigdig. Hindi lang pawang pagpapaganda at posing sa harap ng mga camera ang magkaroon ng blue crown.

Habang naka-base siya sa London for one year, doon siya manggagaling kapag dapat na siyang bumisita sa ibang bansa at pangasiwaan mismo ang iba’t ibang charity works.

Kaya imposibleng madagdagan siya ng timbang. After a year’s reign, lalo na magiging slim si Megan Young.

Isang celebrity ang hanggang ngayon ay inggit na inggit at nagpuputok ang butse sa pagwawagi ng Miss World title ni Megan Young. Naririnig pa rin ang kanyang mga pintas sa bagong Pinay beauty queen during her unguarded moment.

Ang suspetsa, siya ang may pakana ng paninira sa first Pinay Miss World sa social media. Sa tingin mukhang hindi siya capable sa intriga pero isang virago (noisy o domineering) pala.

Babagwa kumpirmado na sa Warsaw at Vancouver filmfests

Ilalabas ang Babagwa sa 29th Warsaw International Film Festival, bilang kalahok sa 1 and 2 section. Dinirek ni Jason Pau Laxamana, tungkol sa mga kasinungalingan sa isang fake Facebook account ang pelikula. Nakapanloloko ng mga tao at pati mga mayayamang tao ay nabibiktima.

Confirmed na rin ang paglahok ng Babagwa sa Vancouver International Film Festival sa Cana­da at sa Dragon and Tigers Award for Young Cinema competition.

Artistahing Fil-Am tennis player pinipilahan ng mga produ at exec

Tipong artista ang tall and handsome na Fil/Am tennis celebrity na si Treat Conrad Huey. Sa kanilang bayan sa Lapu-Lapu City, Cebu madalas siyang mapagkamalang member ng football team na Azkals.

Ranked No. 24 in the world si Treat at nakapasok siya hanggang semi-final ng nakaraang U.S. Open. Kung nagwagi siya, si Treat sana ang first Pinoy na nasali sa isang semi-final ng isang grand slam event.

Ngayon pa lang, maraming mga producer, pati mga network executive, ang gustong mag-offer ng contract kay Treat.

Album ni Richard Yap hindi maiakyat ng fans sa top spot

Steady sa No. 4 slot ng overall music charts ang new Richard Yap album for two weeks already. Hindi kaya maiakyat ng kanyang fans sa top spot ang debut ng kanilang idol?

Ang Chapter 10 CD ni Charice Pempengco ang nasa fifth position, na inaasahang magiging No. 1 sa susunod na linggo.

John Lloyd nag-effort tumulong sa mga taga-isla

Noon nakikita namin ang mga batang mag-aaral sa Zamboanga City (siyudad na ito!) na naglalakad ng maraming kilometro para makapasok sa kanilang paaralan. Hindi sila napapagod at masaya pa, habang grupu-grupong papunta sa eskuwela.

Ang eksenang ito, higit na nakikita sa mga malalayong probinsiya, na ang iba ay naka-paang naglalakad sa mabatong daan. Meron pang lumalangoy papasok sa school, lalo’t nakatira sa mga isla.

Tulad sa Suyac Island, Negros Island. Puno ng mangroves (ginagawang yantok) ang isla at marami ring nakatira ritong mga batang kasama ng kanilang mga magulang at pamilya. Sa kabila ng isla ang kanilang paaralan kaya dati ay lumalangoy sila makapag-aral lang.

Maraming salamat kay John Lloyd Cruz at kanyang mga kasamahan sa foundation na binuo ng Biogesic. Nagbigay sila ng mga yellow boat para masak­yan ng mga bata pagpasok at pag-uwi sa kanilang school. Kulay dilaw ang mga bangka na kakulay ng mga yellow school bus na ginagamit ng mga mag-aaral sa Metro Manila.

Para sa isang popular na aktor tulad ni Lloydie, ang makapagbigay ng ganitong tulong sa mga kababayang kabataan ay malaking bagay upang magkaroon siya ng peace of mind at higit pang blessing upang maging malusog at maasikaso ng husto ang kanyang trabaho.

vuukle comment

ANG CHAPTER

BABAGWA

MEGAN YOUNG

MISS WORLD

RICHARD YAP

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with