^

Pang Movies

Erik at Angeline nakalampas na sa ‘getting to know each other’ stage

- Vinia Vivar - Pang-masa

Natawa na lang si Erik Santos nang tanungin siya sa presscon ng kanyang 10th anniversary concert na Intense: A Decade With the Prince of Pop kung totoo ba ang tsikang nanliligaw siya kay Ange­line Quinto who happens to be one of his guests din sa concert.

“Nabalita ba?” natatawa niya ring tanong.

“Kami ni Angeline, sobra kaming magkaibigan. And nalampasan na namin ’yung stage na getting to know each other. Napaka-espesyal ni Angeline sa buhay ko at ako rin naman espesyal sa buhay niya,” he said.

Tila may laman ang sinabing ito ni Erik kaya pina-elaborate namin sa kanya at say niyang natatawa ulit, “Just read between the lines.”

Pero kasunod nito ay sinabi naman niyang, “Hindi, we’re ano, we’re friends. We’re very good friends.”

Bukod kay Angeline ay guests din niya sa Intense concert sina AiAi delas Alas, Pops Fernandez, Regine Valasquez, and Yeng Constantino with the special participation of G-Force.

Ayon kay Erik sobrang hands on siya sa concert na ito, magmula sa conceptualization, everything. Lahat ng meeting nila ay pinuntahan niya at hanggang sa poster ay binubusisi niya.

Produced by Cornerstone Concerts, gaganapin ang Intense sa Nov. 9 at the PICC Plenary Hall sa Pasay City to be directed by Johnny Manahan and Homer Flores as the musical director.

‘Honest’ actors kailangan ng Kapamilya

Puspusan ang paghahanda ng ABS-CBN sa Honesto, ang bagong teleserye na prodyus ng Dreamscape.

Pinagbibidahan ito ng isang bagong tuklas na batang aktor bilang Honesto.

Ang Honesto ay mula sa creators ng May Bukas Pa at 100 Days to Hea­ven. Ang balita namin, bukod sa very promising new child discovery, kasama sa cast nito ang mga dekalibreng aktor.

Sa nakikita naming teaser, may aspiration ang Honesto. And this is all about honesty. Very timely naman dahil sa mga nangyayari ngayon sa ating society.

Sa ngayon ay inaabangan pa namin ang announcement ng ABS-CBN tungkol sa iba pang detalye about the drama series pero sa teaser pa lang ay mukhang winner na naman ito.

Ramon at Jinri nasa friendzone lang

Emosyonal at punumpuno ng puso ang interbyu na ginawa ni What’s Up Doods? host Edu Manzano sa bagong Miss World titleholder na si Megan Young sa katatapos lang na episode last Saturday sa TV5.

Samantala, kuwela at katawa-tawa naman ang naging takbo ng usapan nina Edu at Ramon Bautista. Malaking bahagi nito ang ginawang paglilinaw ni Ramon na “friends” lamang sila ng Korean celebrity na si Jinri Park.

Birong hirit pa ni Ramon sa audience, “Bakit hindi kayo makapaniwala?”

Aliw ang portion ng interview na ito, lalo na ‘yung topic ng “friendzone,” dahil parehong witty at funny sina Ramon at Edu.

Ang iba pang guests na nagpasaya sa What’s Up, Doods? ay sina Empoy Marquez at Rhianna Floresca (Animax Ani-mate grand winner).

Ang What’s Up, Doods? ang pinakabagong late-night comedy talk ng TV5 na mapapanood tuwing Sabado ng alas-nuwebe ng gabi.

 

vuukle comment

A DECADE WITH THE PRINCE OF POP

ANG HONESTO

ANG WHAT

ANIMAX ANI

CORNERSTONE CONCERTS

DOODS

EDU

EDU MANZANO

HONESTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with