^

Pang Movies

Dahil kay Parsons, KC nawalan ng time mag-react sa baha

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Magdamag na hindi tumila ang ulan kaya baha na naman ang mga lugar hindi lang sa Kamaynilaan kundi lalo na ang tinamaan ng bagyo sa may bandang norte ng Pangasinan.

Mabuti na lang at kahit bumabagyo ay feeling nasa cloud nine pa ang anak ni Sharon Cuneta na si KC dahil sa kanyang special friend na basketball player na si Chandler Parsons ng Houston Rockets. Busy pa ang kanyang schedule na last Tuesday ay nakipag-date siya sa National Basketball Association (NBA) cager kasama ang kanyang half-sisters dahil kung hindi ay magpaparinig na naman siya sa gobyerno na magbigay ng long time na solusyon para sa mga lugar na binabaha.

Sa last comment kasi ni KC nung nakaraang bagyo ay isa siya sa sumama at nagbigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo. Sa kanyang interview ay nagbitaw siya ng salita sa goverment na sana raw ay mas pagtuunan ng pansin ang dapat na solusyon sa pagbaha, ’yung concrete na sagot sa problema, kesa nga naman puro pagbibigay ng relief goods na lang at wala namang tamang solusyong ginagawa sa pagbaha.

Sheree maghihintay pa rin sa alok na kasal ni Gian

Wala ring time na magmukmok ang dating Viva Hot Babe na si Sheree pagkatapos silang maghiwalay ni Gian Magdangal. Kung wala nga naman daw plano sa kanya si Gian, lalo’t pagkatapos umabot ng six years ang pagsasama nila, siya na ang magpaplano ng kanyang sarili at sa anak nilang lalaki na five years old na ngayon.

Si Sheree ang producer ng kanyang ginagawang album na idi-distribute ng Star Records. Singer daw kasi siya at nagba-banda bago siya naging part ng Viva Hot Babes. Ibinalita rin niyang meron din siyang gagawing movie na kasama siya sa cast ng Australian actors.

In fairness kay Sheree, maganda ang kanyang aura at bagets na bagets pa ang kanyang dating. Wala raw kasi siyang time sa mga negative issue at hindi rin excuse ang mga problema para hindi siya maging healthy at sexy. Magkaibigan naman daw sila ni Gian dahil “kailangan,” sambit ni Sheree, kaya civil sila sa isa’t isa.

Si Sheree ang naghahatid sa umaga sa school ng anak nilang si Jim Haley samantalang si Gian naman ang nagsusundo kapag uwian na ng anak nila. Hindi raw alam ni Sheree kung may third party sa hiwalayan nila ni Gian kung may ibang girl ang singer. Pero ang simpleng walang plano o balak ang singer para pakasalan siya after six years nilang magkasama ang rason niya kaya siya na mismo ang nakipaghiwalay dito.

’Pag dumating daw ang time na ready na si Gian at mahal pa siya nito ay baka raw maayos pa sila. Pero dumating man daw iyon o hindi, tuloy pa rin ang buhay para kay Sheree at sa anak niya.

CHANDLER PARSONS

GIAN

GIAN MAGDANGAL

HOUSTON ROCKETS

JIM HALEY

KANYANG

SHEREE

SI SHEREE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with