^

Pang Movies

Claudine gustong ipakulong si Gretchen!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maiiksi ngunit matitindi ang mga sagot ng 34-year-old actress na si Claudine Barretto nang tanungin siya ng media tungkol sa nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto. Sa ulat ng ABS-CBN website ay naglabas ng saloobin ang aktres.

Naniniwala ang kampo ni Claudine na suportado ng kanyang ate ang pagsasampa ng reklamong pagnanakaw ng dating personal assistant laban sa kanya.

“Nababaliw na yata siya,” isa sa mga binitawan.

Si Claudine ay nakausap ng media nang mag-file ito ng counter-affidavit para sagutin ang akusasyon ng dating personal assistant o PA na si Dessa Cadelario Patilan, 19 years old, noong Oct. 10, sa Makati Regional Trial Court.

Ang reklamong theft na isinampa ni Dessa noong Sept. 11 ay sa dahilang ninakaw diumano ni Claudine ang kanyang mga gamit na may kabuuang halaga na P13,550.

Si Dessa ay pro bono client ni Atty. Alma Mallonga ng Siguion-Reyna, Montecillo, and Ongsiako Law Office. 

“Magsama na lang sila ni Gretchen sa kulungan,” pahayag pa ni Claudine.

Pero ikinalulungkot daw niya ang pagkakadamay ng dating alalay sa hidwaan nila ng panganay na kapatid. 

Sabi ni Claudine, “Siyempre malungkot, siyempre nakakaawa. Nakakalungkot kasi ginagamit siya (Dessa) ng kapatid ko.”

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinabi naman ni Claudine na handa siyang iurong ang kanyang reklamo laban sa dating PA kung hihingi ito ng tawad sa kanya.

“Iyon lang naman ang hinihintay ko,” sabi ni Claudine sa media.

Ipinakulong ni Claudine si Dessa sa Marikina City PNP Detention Cell noon ding Mayo 10 dahil nga sa sinasabing pagnanakaw.

 Kasabay ng pagsampa ni Claudine ng counter-affidavit, kinuwestiyon ng kanyang legal counsel, si Atty. Ferdinand Topacio, ang motibo ng dating PA sa pagsampa ng reklamo laban sa kanyang kliyente.

Giit ni Atty. Topacio tungkol sa reklamo, “Wala naman kasi talagang katotohanan eh kasi kung totoo ’yan, bakit ngayon lang?

“At saka bakit kung noong nabigyan lang siya ng abogado ni Gretchen, saka lang siya nag-file ng countercharge?”

Nabanggit din niyang nanggaling umano mismo sa legal counsel ni Dessa, si Atty. Alma Mallonga, ang pagiging bahagi ni Gretchen sa pagsasampa ng kaso ng una.

Sa panayam ng TV5 News noong nakaraang buwan, sinabi ni Atty. Mallonga, “Yes, it is true. Gretchen is a client and a good friend. This matter concerning Dessa was brought to my attention, my personal capacity really, by Gretchen.”

Gayun man, binigyang-diin ni Atty. Mallonga, na inindorso man sa kanya ni Gretchen ang kaso ni Dessa, walang inutos na anuman ang nakatatandang kapatid ni Claudine. 

                                                  

vuukle comment

ALMA MALLONGA

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DESSA

DESSA CADELARIO PATILAN

DETENTION CELL

FERDINAND TOPACIO

GRETCHEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with