Jackie Lou at Ricky may apo na
Isang lola na rin si JackieLou Blanco at natutuwa siya sa kanyang apo sa panganay nila ni Ricky Davao na si Kenneth.
Biniro si Jackie na isa na rin siyang “mamita†tulad ng kanyang inang si Ms. Pilita Corrales.
“I am still getting used to be called a lola. Nakakapanibago kasi,†ngiti ni Jackie.
“Pero iba nga pala ang happiness kapag may apo ka na. Parang nagiging mother ka ulit. May inaalagaan ka, may kinakarga ka. Iba ang feeling.â€
Hindi raw nagsasama ang magulang ng kanyang apo. Nagdesisyon nga raw ang mga ito na magkaroon sila ng sariling buhay pero hindi nila pababayaan ang kanilang anak.
“That is their decision at nasa tamang edad naman na sila to make that. Kami naman ni Ricky (Davao), nandito lang naman kami to support them at kung may kailangan ang aming apo, mapo-provide namin ng maayos.
“Ang importante naman ay masaya silang dalawa sa decision nila at hindi nila pababayaan ang kanilang anak,†diin pa ni Jackie.
Kontrabida muli si Jackie sa bagong primetime series ng GMA 7 na Genesis. Gumaganap siya bilang Ramona Escalabre, ang ganid na vice president ng bansa.
Sa lahat daw ng mga kontrabida roles na ginawa ni Jackie, ito raw ang masasabi niyang pinakamatindi sa lahat.
“I’ve done lots of kontrabida roles in the past, pero na-challenge pa rin ako. So far, sa mga scenes na nakunan namin, napaka-cold, heartless, scheming, at manipulative ang character ko. It’s really an all-out kontrabida role which I like doing.â€
First time raw niyang nakatrabaho si Lorna Tolentino at kinabahan daw siya sa mga eksena nila.
“Matagal na kaming magkaibigan ni Lorna and she’s even one of the ninangs of my daughter, Rikki Mae. Pero never pa pala kaming nagkakatrabaho sa movies or sa TV. Kaya first time ito and I only realized that noong makapag-take na kami ng eksena namin.
“Malaki ang paghanga ko kay Lorna bilang actress and to act with her in this series parang ang laking bagay na para sa akin.â€
Sunshine umuuwi na lang para maligo
Nagpapasalamat si Sunshine Cruz sa sunud-sunod na trabaho na kanyang natatanggap. Kahit na nagkasabay pa ang tapings niya ng Dugong Buhay at Galema, Anak ni Zuma, ginagawa pa rin niya ang lahat para maging maayos ang pagtatrabaho niya.
“Uuwi na lang ako para maligo bago ako pumunta sa susunod na taping set.
“Hindi naman tayo nagrereklamo dahil kailangan natin ang trabahong ito at nagpapasalamat ako dahil maganda ang naging pagbabalik ko sa showbiz.
“Ilang taon akong nawala pero ang ganda pa rin ng pagtanggap nila sa akin. Kaya sinusuklian ko iyon ng maayos na pagtatrabaho,†ngiti pa niya.
Nagbabalik sa pagiging celebrity endorser ng Ever Bilena cosmetics si Sunshine. Una siyang naging endorser ng naturang beauty product noong 1999. Kasalukuyang nagbibida na si Sunshine sa mga sexy movies noon.
Marami ang sumasang-ayon na walang pinagbago sa hitsura ni Sunshine noon at ngayon.
Kardashians hiwalay na!
Naghiwalay na nga officially ang celebrity couple na sila Bruce Jenner at Kris Jenner.
Sa isang statement na pinadala nila sa E! News, nanatili pa rin naman silang magkaibigan.
“We are living separately and we are much happier this way. But we will always have much love and respect for each other.â€
Nakilala si Bruce Jenner dahil isa siya sa hinahangaan athlete noon sa Olympics noong ‘70s. Dalawa ang naging anak nila ni Kris na sila Kylie at Kendall Jenner.
Si Kris naman ay nakilala dahil asawa niya ang the late Robert Kardashian, ang lawyer ng athlete na si O.J. Simpson na naakusahan na pumatay sa kanyang asawang si Nicole Brown. Naging anak nila ay ang mga reality stars na sila Kim, Khloe, Kourtney, and Rob Kardashian.
Nag-celebrate last April ang dalawa ng kanilang 22nd wedding anniversary kahit na may mga tsismis na hiwalay na sila.
Sa kanilang reality show nga na Keeping Up With the Kardashians, pinakita naman doon na nasa hiwalay silang tirahan. Nakatira si Bruce sa bahay nila sa Malibu, samantalang nasa Calabasas naman si Kris.
- Latest






















