^

Pang Movies

‘Pinag-usapan namin ‘yun’: Sunshine kinontra ang sinabi ni Cesar na nagpapabili siya ng bahay na worth P15M

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng bagong endorsement ni Sunshine Cruz na Ever Bilena cosmetics kahapon, alam ng aktres na ang itatanong na naman sa kanya ay ang issues sa kaso nila ng asawang si Cesar Montano. Aminado nga siyang kinakabahan siya before the event dahil kung siya ang tatanungin ay ayaw na sana niyang sagutin pa ang mga sinasabi ng kabilang kampo dahil tiyak na ’pag may sinabi siya ay sasagot na naman ang mga ito.

Say niya sa sarili before the presscon, she won’t talk about the issues pero hindi rin ito natupad dahil nang sunud-sunod siyang tanungin, alangan naman na mag-deny siya.

Isa kasi sa natanong kay Shine ay kung totoo ba ’yung claim ng lawyer ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer na nagpapabili siya ng bahay sa asawa worth P11-15M.

Pahayag ng aktres, “May gag order nga kami about that pero tutal naman, nagsalita rin sila, which is unfair kasi nga may gag order, ang ingay-ingay naman nitong si Attorney (ni Cesar).

“Okay, to set the record straight, this is the last time I’m going to say this. Nung naghiwalay kami ni Buboy, nag-meeting ang lawyer ko na si Atty. (Bonifacio) Alentajan at ang lawyer niya na si Atty. Ferrer. Nagkasundo sila kung ano’ng allowance ang ibibigay nila.

“’Yung lawyer ni Buboy ang nagbigay ng certain amount and we agreed on that. Basta kami na raw ang bahala sa rental kasi nga Buboy doesn’t want to give up Belissimo raw and the house.

“So, ang sa akin naman, walang problema kasi nga, ayoko rin ang bahay na ’yun because it’s too big for us and may mga kamag-anak siyang nakatira. How can I move on kung nandiyan ang kamag-anak niya?

“Nagkasundo kami sa certain sustento. Nag-deliver naman si Buboy for four months. Ten months na kaming hiwalay, okay? Four months nag-deliver siya and after that nag-stop.

And then nung nag-hearing daw sila, two months ago na, ang napagkasunduan nila ay P55,000 rental sa furnished house na si Cesar ang magpo-provide. Nakakadalawang buwan na raw ngayon.

“So, ’yun pa lang ang nabibigay niya, ’tapos dun sa four months, nagbigay naman siya.

“’Yung sa bahay naman, siya naman ang nagsabi sa akin to find a house for me and my children. He even e-mailed me a photo of this very beautiful house worth twenty five million pesos that he wants to buy for us.

“But I said, that is too big, that is too much. I just need a simple house na maganda para sa kids natin. So, sabi niya, maghanap daw ako.

“Ako naman si tanga-tanga, hanap nang hanap ng bahay at nire-report ko sa kanya na ‘O, mayro’n akong nakitang bahay, ten million worth at maganda naman.’

“Pero nag-usap na kami ni Buboy at may deal kami na since siya naman ’yung mas maraming pera, siya ’yung magbabayad pero huhulug-hulugan ko sa kanya monthly.

“So, ito ’yung ginamit sa akin ng abogado niya,” paglilinaw ni Shine.

Kaya up to now ay hindi pa raw nabibili ang bahay. Pero ayon sa aktres, kung magdidire-diretso ang maganda niyang career, mas gugustuhin niyang huwag nang humingi at kayanin na lang ang gastos sa pagpapalaki sa mga anak.

Samantala, kung pagbabasehan ang beauty ni Shine ngayon, she looks happy naman at mukhang naka-move on na siya. Thankful siya sa lahat ng trabahong dumarating tulad na nga lamang nitong Ever Bilena endorsement.

We learned sa presscon na dati na pala siyang endorser ng nasabing produkto. That was in 1999, dalaga pa siya. Kaya nga say ni Shine, it feels good to be back after 14 years.

Ayon nga sa press statement ng chief executive officer ng Ever Bilena na si Dioceldo S. Sy, si Sunshine ang epitome of true beauty because even after 14 years, napanatili ng aktres ang kagandahan at kaelegantehan na nakita nila way back in 1999.

“That is why, without second thought, we have decided to have her back in the company,” sabi ni Mr. Sy.

 

vuukle comment

BUBOY

BUT I

CESAR MONTANO

DIOCELDO S

EVER BILENA

JOEL FERRER

NAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with