^

Pang Movies

Anak ng showbiz personality iba ang ama, hindi ang asawa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Totoo kayang hindi ang husband ng isang show­biz personality ang ama ng kanyang anak? Lu­ma­laki raw kasi ang bata na hawig kahit ang kilos at pananalita sa isang showbiz personality din na nakasama na niya dati sa isang show. 

Nagkausap na ang dalawang showbiz personalities at hindi naman tumanggi ang guy na kilalanin ang bata. 

Megan may world tour, ’Pinas ang first stop

Pabalik pa lamang ng Pilipinas si Miss World 2013 Megan Young sa Thursday, Oct. 10, pero may gumagawa na ng intriga na babawiin daw ang korona sa kanya at ibibigay sa kanyang runner-up na si Miss France Marine Lorphelin. Wala naman itong katotohanan dahil mismong si Ms. Cory Quirino, national director ng Miss World Philippines, ang nagsabing ang Pilipinas ang first stop ni Megan sa pagsisimula ng kanyang world tour. 

Naka-schedule na ang mga charitable institution na pupuntahan niya habang nasa bansa.

Martin marami nang alam sa sakit na AIDS

Ang guwapo ni Martin Escudero sa launch ng TV5 ng mga bago nilang prime­time show kaya tiyak na pinag­handaan niyang mabuti ang role niya bilang si Carlo, a call center agent na na may HIV sa HIV-themed series na Positive.

Nagpa-test din siya mismo at nagkaroon ng immersions sa karakter sa pakikipag-usap sa resource persons mula sa AIDS Society of the Philippines. 

“Ginawa ko ito dahil medyo maselan ang character na gagampanan ko since hahanapin ko kung sino ang nakahawa sa akin dahil natatakot akong nahawahan ko ang buntis kong asawa at maaa­ring makuha rin ito ng magiging anak namin,” sabi ng young actor. 

Ang Positive ay magsisimula na sa Oct. 17, 8:30 p.m.

Maxene nagsawa na sa kagigimik, nanahimik sa BF na banker

Tahimik na ang love life ni Maxene Magalona sa piling ng non-showbiz boyfriend na isang banker, si Chino Copuyoc. Biro nga ni Maxene, sa role na lamang niya sa afternoon prime drama series niyang Mga Basang Sisiw siya magpapakontrabida sa pag-agaw niya kay Froilan (Raymond Bagatsing) sa asawa nitong si Olivia (Rep. Lani Mercado-Revilla). Pagod na rin kasi siya sa kagigimik kaya mas masaya na siya sa tahimik na buhay with her boyfriend.

Kaya nakatutok na lamang siya sa taping ng Mga Basang Sisiw at sa kanilang family business na itinayo ng yumaong ama, ang Master Rapper na si Francis Magalona.

 

vuukle comment

ANG POSITIVE

CHINO COPUYOC

FRANCIS MAGALONA

LANI MERCADO-REVILLA

MARTIN ESCUDERO

MASTER RAPPER

MAXENE

MGA BASANG SISIW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with