^

Pang Movies

Janella at Jolo parehong nakakatikim ng pangbu-bully

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Naawa naman kami kay Councilor Janella Estrada ng San Juan City at eldest child ni Sen. Jing­goy Estrada sa interview niya sa Showbiz Police ng TV5 ni Cristy Fermin. Nabagabag ang kalooban namin dahil sa ginagawa sa kanya, pinararatingan siya ng mga salitang pambabastos sa Twitter at may personal pang patutsada. Sinabing magiging corrupt din siya dahil anak siya ni Sen. Jinggoy na isa sa mga senador na sangkot sa pork barrel scam na pinauso ni Janet Lim-Napoles.

Huwag namang ganun. Hayaan na lang munang mag-work si Konsehala Janella na bagong halal pa lamang sa kanyang posisyon. Gusto ng bagets na makatulong sa mga kababayan nila sa San Juan. Hindi naman masasamang tao ang mga Estrada. Nagkataon lang na naging kaibigan nila ang taong naging sangkot sa mga kuwestiyonableng non-go­vern­ment organization at tulay ng maraming scho­lars na namimiligro ngayong mahinto sa pag-aaral dahil sa posibleng hinto na raw ang pork barrel na siyang ginagamit ng mga politician sa pagtulong sa kapwa.

Sana huwag munang husgahan sina Councilor Janella at Cavite Vice Gov. Jolo Revilla na nakakatanggap din ng mga pangungutya sa mga taong galit kay Ms. Napoles.

Anyway, open sa lahat ng topic ang bagong talk show ng TV5 sa pangunguna nina Cristy Fermin, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, Raymond Gutierrez, at Direk Joey Reyes. Sabi ni ’Nay Cristy, kung kailangang pag-usapan at very interesting ang topic ay gagawin nila.

Sheree never inalok ng kasal ni gian

Naiyak kami sa nangyari sa former babe na si Sheree na naghintay ng five years kay Gian Magdangal na pakasalan siya pero nauwi lang sila sa hiwalayan

Umiyak si Sheree sa limang taong pagsasama nila at may anak na silang isang lalaki. Matagal na pa­lang waiting si Viva Hot Babe na alukin siya ng kasal. Nahihiya na rin siya sa parents niya.

Matinong babae raw naman siya ng makuha ni Gian.

vuukle comment

CAVITE VICE GOV

CONGRESSWOMAN LUCY TORRES-GOMEZ

COUNCILOR JANELLA

COUNCILOR JANELLA ESTRADA

CRISTY FERMIN

DIREK JOEY REYES

GIAN MAGDANGAL

JANET LIM-NAPOLES

SHEREE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with