^

Pang Movies

Pasabog din Cesar maglalabas ng ebidensiya kontra sa mga pinagsasabi ni Sunshine

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Confirmed na magsasalita si Cesar Montano sa Startalk sa darating na Sabado tungkol sa mga bagong isyu tungkol sa kanila ng kanyang misis na si Sunshine Cruz.

Sa true lang, nagpainterbyu na si Cesar kay Papa Ricky Lo noong Martes sa restaurant niya sa Quezon City.

Ang sey ni Papa Ricky, must watch ang pakikipag-usap niya kay Cesar na sinagot ang lahat ng mga bagong pahayag ni Sunshine. Ang balita ko, nag-promise si Cesar kay Papa Ricky na maglalabas siya ng mga ebidensiya bilang patunay na pawang mga katotohanan ang kanyang mga pahayag sa Startalk. Ano kaya ang mga ebidensiya na tinutukoy ni Cesar?  

Dumating na magkasama sa restaurant ni Cesar ang kanyang anak na si Diego at si Julia Barretto.

Friends lamang sina Diego at Julia dahil co-stars sila sa isang upcoming teleserye ng ABS-CBN. Hindi puwedeng hindi sumaglit si Diego sa restaurant ni Cesar dahil naghanda ito ng dinner para sa kanyang half-sister na nag-celebrate ng birthday. Kumpleto raw ang pamilya ni Cesar, maliban kay Sunshine.

Matagal na hindi napanood si Diego sa TV kaya malaking break para sa kanya na maging cast member ng  teleserye na pagbibidahan ni Julia.

Hindi  malinaw kung Diego Loyzaga na ang  final screen name na gagamitin ng anak ni Cesar dahil Diego Montano ang ginamit niya sa isang pelikula ng kanyang ama na ikinalito ng fans.

Mga intrigera, nawindang sa mga ebidensiya ni Raymart vs Claudine

Nawindang naman ang mga intrigera sa pasabog ni Raymart Santiago na may pangit na bisyo ang kanyang misis na si Claudine Barretto at isa ‘yon sa ugat ng kanilang paghihiwalay.

Kung kilala natin si Claudine, hindi nito palalampasin ang mga ebidensiya na dinala ni Raymart sa korte. Hindi siya papayag na magpaagrabyado dahil para sa kanya, siya ang biktima ng domestic violence.

May mga nagsasabi na nagsasawa na sila sa never ending problems nina Raymart at Claudine pero ayaw nila na magpaawat sa pagsubaybay sa kaso ng mag-asawa na masahol pa sa isang teleserye ang kuwento.

Dra. Belo nakitili sa cosmo bash

Sina Dra. Vicki Belo, Jasmine Curtis Smith, Michelle Madrigal, Carla Abellana, at Djanin Cruz ang ilan sa mga kilalang celebrity na umapir sa Cosmopolitan Bachelor Bash na ginanap noong Martes sa World Trade Center.

Ang sey ng aking spy, tilian to the max ang girls habang rumarampa ang boys na kanilang sinusuportahan.

Hindi ko alam kung sino ang sinuportahan ni Mama Vicki dahil alam ko na sa puso niya, si Hayden Kho, Jr. pa rin ang number one. Si Djanin, siguradong tumili-tili para sa kanyang mga pinsan, ang brothers na sina Rodjun at Rayver Cruz.

Imposibleng si Jon Hall ang  dahilan ng panonood ni Michelle ng Cosmo Bash dahil matagal na silang hiwalay. Foreigner ang natsitsis­mis na bagong dyowa ni Michelle at malay natin, baka isa sa mga rumampa sa Cosmo Bash ang kanyang rumored boyfriend.

All-out naman ang suporta ni Carla sa co-stars niya sa My Husband’s Lover, sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Hindi pa puwedeng rumampa sa Cosmo ang boyfriend ni Carla na si Geoff Eigenmann dahil abala pa ito sa pagbabawas ng timbang.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

CESAR

CLAUDINE

COSMO BASH

KANYANG

PAPA RICKY

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with