^

Pang Movies

Matagal nailihim ang problema drama actress nahirapang palayasin ang asawa sa pag-aaring bahay

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ng drama actress ang kanyang pinag­daanang depression noong magkaroon siya ng mala­king problema sa kanyang mister na isang aktor din.

Matagal daw nilang itinago ang kanilang naging problema sa kanilang pagsasama hanggang sa puntong si drama actress na ang nagdesisyon na maghiwalay na sila.

Pero ang naging problema ay ayaw daw umalis ng kanyang mister sa kanilang bahay. Pag-aari ng drama actress ang kanilang bahay at nakapangalan iyon noong iregalo sa kanya ng kanyang namayapang ama. Kaya hindi considered na kasama sa paghahatian nilang conjugal property ang bahay.

Dahil sa ayaw ngang umalis pa ng kanyang mister, ang ginawa ni drama actress noong nagkaroon ng location shooting ang kanyang mister ay pinalipat nito ang mga gamit sa isang maliit na kuwarto.

Nagulat na lang ang mister ni drama actress na wala na ang mga gamit niya sa master’s bedroom at binago pa ang lock para hindi siya makapasok.

Hindi na sinasabayan ni drama actress ang kanyang mister kapag oras ng almusal, tanghalian, at hapunan. Nagpapaakyat na lang siya ng pagkain sa kuwarto.

Gusto lang ipakita ni drama actress na wala na siyang pakialam sa kanyang mister na matagal niyang tiniis dahil maraming taong masasaktan. Pero ngayon ay wala siyang pakialam dahil gusto na niyang maging maligaya sa kanyang buhay.

Pagkaraan pa ng isang buwan bago umalis ang kanyang mister sa kanilang bahay. Doon lang daw nakaramdam ng tunay na kalayaan ang drama actress pagkatapos ng higit na 20 years.

Enzo payag  paligawan sa iba si Louise kahit dating na sila ulit

Inamin ni Enzo Pineda na “dating” na ulit sila ng kanyang ex-girlfriend na si Louise delos Reyes. Nagsimula raw iyon two months ago.

“I’m enjoying our company. Matagal din kaming hindi naging ganito ni Louise.

“Ngayon, we’re doing okay. Marami na kaming napagkukuwentuhan. Tulad ng mga bagong trabaho namin. Happy kami na we’re both busy,” ngiti pa ni Enzo.

Pero wala siyang sinasabi na nililigawan niya ulit si Louise. Tama lang daw ngayon na magkaibigan sila.

“Gusto ko ring balansehin ang lahat. Mas gusto kong maging focused kami ni Louise sa trabaho namin. Gusto namin na mag-inspire kami sa isa’t isa as friends,” sabi ng teen star.

Hindi naman din sila exclusively dating ng ex-girlfriend kaya okay lang daw na makipag-date ito sa ibang guy.

“Ayokong pinagbabawalan ang isang tao na malapit sa akin. Kung gusto talaga niya to go out with someone else okay lang basta masaya siya.

“Hindi naman kailangan ni Louise na magpaalam sa akin eh. She can do whatever she wants,” paglilinaw pa ni Enzo.

Sina Lauren Young at Wynwyn Marquez ang partners ni Enzo sa bagong teen suspenserye na Dormitoryo. Kasama pa nila sina Joyce Ching at Ruru Madrid.

Nintendo inventor na nagpasikat ng Super Mario sa Amerika, namatay na

Sumakabilang buhay na ang dating president ng Nintendo na si Hiroshi Tamauchi sa Japan dahil sa sakit na pneumonia. He was 85 years old.

Si Hiroshi ang nag-revolutionize ng video game industry nang ipakilala niya sa buong mundo ang video game na Super Mario.

Dinala niya ang Nintendo Entertainment System sa America in 1985 at doon na nga sumikat ang video games na Super Mario, Zelda, at Donkey Kong.

Umalis si Hiroshi sa naturang kumpanya in 2002. Pero hindi niya tinanggap ang inaalok na retirement pension na nagkakahalaga ng higit na $14 million.

Katuwiran ni Hiroshi na mas magagamit pa ng Nintendo ang halagang iyon sa further improvement ng company.

Ang estimated net worth nga ni Hiroshi ay umabot sa higit na $2.1 billion, making him the 13th richest man in Japan.

 

vuukle comment

ACTRESS

DRAMA

ENZO

HIROSHI

KANYANG

MISTER

NINTENDO

PERO

SUPER MARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with