^

Pang Movies

‘Ser Chief’ nag-solo na

Lanie Mate - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naglevel-up na bilang singer ang ‘Ser Chief ng Bayan’ na si Richard Yap!

Mula sa pagiging bahagi ng best-selling official album ng kanilang hit kilig-seryeng Be Careful With My Heart, ngayon ay may solo debut album na si Richard sa ilalim ng produksiyon ng Star Records. 

“Dream come true para sa akin itong launch ng solo album ko. Mula kasi pagkabata, hilig ko na talagang kumanta,” kuwento ni Richard. “At thankful ako sa a­ming teleserye dahil sa pamamagitan ng aming official soundtrack, na-discover ng tao na marunong din akong kumanta.” 

Ayon kay Richard, maihahalintulad niya ang kanyang unang album sa Be Careful dahil puno ito ng feel-good at easy listening tracks.

“Pasok dito ang lahat ng genres. May pop, ballad at alternative. Hindi lamang sila para sa music fans na ka-age group ko kundi maging sa teens at in-betweens,” ani Richard. “Nakapaka-espesyal sa akin nitong album kasi pinagpaguran namin ito para masigurong sulit ito para sa mga tao. Sana, tulad ko, ay magustuhan siya ng lahat ng aming supporters.”

Para kay Richard na lumaki sa musika ng Queen, Barry Manilow, Kenny Rogers, Hall and Oates, Phil Collins, at Mike Francis, wala siyang nararamdamang pressure sa posibilidad na makumpara siya sa iba pang mahuhusay na singers sa bansa. “Sa palagay ko hindi naman kailangang magkumpara dahil magkakaiba naman ang musical choices at target audiences ng singers,” paliwanag niya. 

Tampok sa solo debut album ni Richard ang revivals ng Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say, Promise Ain’t Enough, Think I’m In Love Again, Can Find No Reason, You Take My Breath Away, Chasing Cars, High, Afterglow, at ang Chinese version ng Oh Babe. Bahagi rin ng album ang bonus tracks na Please Be Careful With My Heart at Salamat.

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, ang first album ni Richard ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download sa Internet ang tracks ng album ni Ser Chief  Mag- log on lang sa iTunes, Amazon.com at MyMusicStore.com.ph.

 

vuukle comment

ALBUM

BARRY MANILOW

BE CAREFUL

BE CAREFUL WITH MY HEART

CAN FIND NO REASON

CHASING CARS

RICHARD

SER CHIEF

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with