^

Pang Movies

First time gagawin: Rufa Mae magpapaka-serious actress na

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Lalabas sa isang serious drama series si Rufa Mae Quinto sa TV5. Ito ay ang tele­serye na Positive kung saan bida si Martin Escudero at Bianca Manalo. Mula ito sa direksyon ni Eric Quizon.

For the first time raw ay ma­gi­ging seryoso ang sexy comedienne at hindi raw siya puwedeng magpatawa dahil napakaseryoso raw ng tema ng Positive.

Natsa-challenge raw si Rufa Mae sa role na binigay sa kanya kaya gagawin daw niya ang kanyang best para ipadama na puwede siyang maituring na seryosong artista at hindi lang bilang komedyante.

“Positive lang tayo, ‘di ba? Ito na ang role na hinihintay ko. ‘Yung ma-test ang pagiging aktres natin. Serious na ako rito kaya kahit kayo matsa-challenge sa akin!” pagtatapos pa ni Rufa Mae Quinto.

Ricardo at Lemuel grabe ang ginawang lampungan sa Tinik

Ginulat ng model-turned-actor na si Lemuel Pelayo ang mga nanonood ng indie film na Tinik dahil sa mga maiinit na eksena niya kasama si Ricardo Cepeda.

Ang Tinik ay isa sa entries nang katatapos lamang na Sineng Pambansa National Film Festival: All Masters Edition at directorial comeback ni Romy Suzara.

Kuwento nga ni Lemuel na noong i-offer sa kanya ang role bilang lover ni Ricardo, nagkainteres siya at gusto nga niyang subukan ang ganitong role.

Hindi naman daw naging mahirap na mapapayag siya na gawin ang movie kahit na sobrang daring ang mga eksena nila ni Ricardo.

“Napapayag ako kasi sobrang ganda ng story. At siyempre pagbabalik ito ni Romy Suzara sa pagdidirek kaya malaking challenge ito para sa akin bilang actor.

“Ilang taon pa lang ako sa trabahong ito at first time akong gagawa ng ganitong movie. ‘Yung mga nagawa ko na kasi before mga serious drama, horror, at comedy. Para maiba naman, ginawa ko itong Tinik,” kuwento pa ni Lemuel.

Inamin ni Lemuel na medyo kinabahan daw siya noong kunan na ang lovemaking nila ni Ricardo sa Tinik. Pero naging professional naman si Lemuel at ayaw niyang mapahiya sa kanyang makakasama sa eksena.

“Nag-uusap naman kami ni Mr. Ricardo Cepeda tungkol sa eksena namin. Bukod kasi sa may kissing scenes kami, may bed scene pa.

“Eh kahit pala siya, never pa niyang nagawa ang ganung mga eksena ever since na nag-artista siya. Kaya pareho kaming first-timer sa paggawa ng ganitong klaseng gay indie film.

“Tinulungan naman kami nang husto ni Direk Romy. Sobrang bait niya at nirerespeto niya ang mga suggestions namin ni Mr. Ricardo.

“Kung may scene na hindi namin masyadong kayang gawin, kakausapin ni Direk ‘yung writer at pinapahanapan niya ng ibang alternatibo.

“Nakabibilib ang pagiging open-minded ni Direk Romy. Tsaka ayaw niyang hindi kami kumportable ni Mr. Ricardo sa eksena.”

Dahil sa nasimulan na ni Lemuel ang pagiging daring sa pelikula, tatanggap pa kaya siya ulit ng mga ganitong klaseng roles sa mga susunod niyang movies?

“Hindi na rin siguro. Kumbaga, first and last da­ring role ko na itong ginawa ko sa Tinik. Sinubukan ko lang naman ang role na ito.

“Gusto ko lang naman na ma-test ‘yung edge ko sa pag-arte kaya ginawa ko ito. Nagawa ko naman kaya move on na tayo sa susunod pang mga roles,” diin niya.

Mas gusto ngang maging busy ni Lemuel sa TV dahil matagal-tagal din daw siyang nabakante sa paggawa ng teleserye.

Huli siyang napanood ay sa Kahit Puso’y Masugutan sa ABS-CBN 2.

Hollywood heartthrob na si Zac Efron nabuko na ang pagiging gahaman sa droga

Maraming fans ng Hollywood heartthrob na si Zac Efron ang nagulat nang malaman nilang nagpa-rehab ito.

Hindi raw ito nagpa-rehab dahil sa alcohol abuse kundi dahil sa pagiging addicted nito sa cocaine.

Nagsimula raw ang pagiging gahaman ni Zac sa pinagbabawal na droga noong gawin niya ang pelikulang Neighbors noong April ng taong ito.

Nagiging problema na raw siya dahil hindi raw ito nagpakita sa shooting ng ilang araw. Doon nila nalaman na nagiging addicted na ito sa cocaine.

Bukod daw sa cocaine, may isa pa raw na droga na kinababaliwan ng mga teens sa Hollywood at ito ay ang Molly, isang pure form of Ecstasy na madaling makuha sa mga sikat na clubs sa Hollywood.

Napahamak na ang former star ng High School Musical dahil sa kanyang pagkagahaman sa cocaine. Nagsimula nga raw ito ng gulo kasama ang ilang mga kaibigan sa isang kinuha nilang kuwarto sa SkyLofts at the MGM Grand in Las Vegas.

Umabot nga sa $50,000 ang damage to property na kakagawan ni Zac at ng kanyang mga kaibigang adik.

vuukle comment

DAHIL

DIREK ROMY

LEMUEL

RAW

RICARDO

TINIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with