^

Pang Movies

Jean gusto nang makatuluyan ang negosyanteng karelasyon!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ayaw pa ni Jean Garcia na matawag na ‘lola’ kahit ‘mamita’ dahil hindi pa raw siya ready. Salamat na raw lamang na wala pang balak magpakasal ang anak na si Jennica Garcia at boyfriend na si Alwyn Uytingco. Pero sa presscon ng bago niyang show na Love Hotline, inamin na rin ni Jean na may boyfriend siya ngayon, non-showbiz, a businessman at sana raw ay ito na ang hinihintay niyang makakasama sa buhay.

Inamin ni Jean na nag-isip muna siya bago niya tinanggap ang offer ng GMA News TV na mag-host ng isang show na magbibigay ng advice sa mga love problems. Siguro raw naman ang mga experiences niya sa marami na rin namang naging relationship ay makakatulong sa kanya. May kasama siyang isang love expert, si Ms. A (Ali Gui), na tutulong sa kanya sa pagbibigay ng love advices. 

Daily mapapanood ang Love Hotline na may dramatization at may celebrities din na magsi-share ng romantic issues nila sa bawat episode, na magsisimula na sa Lunes, September 23, 7:00 p.m.

Tatlong programa ng GMA sabay-sabay ang ending

Sunud-sunod na magtatapos ang ilang drama series ng GMA 7 ngayong Biyernes.

Ngayong umaga, at 10:00 a.m., final episode na ng romantic-comedy series na With a Smile na first love triangle series nina Andrea Torres, Mikael Daez, at Christian Bautista. Nalungkot sila na matatapos na ang kanilang serye at magkakahiwa-hiwalay na sila dahil nag-enjoy naman sila nang ginagawa nila ito, lalo na si Christian, na first lead role niya ito. 

Mapapanood ito pagkatapos ng Master sa Kusina ni Chef Boy Logro.

Goodbye na rin si Binoy (David Remo) na bida sa kiddie show na Binoy Henyo sa mga fans na sumubaybay sa kanya at kina Sheena Halili, Luis Alandy, Ervic Vijandre, Rich Asuncion, Gwen Zamora, Nova Villa, Lucho Ayala, Frencheska Farr, sa direksyon ni Albert Langitan. It’s a happy ending dahil nabuo na rin ang pamilya ni Binoy, kasama ang amang si Francis (Luis) at si Nanay Agnes (Sheena) dahil nagparaya na rin si Emily (Gwen). Napapanood ang Binoy Henyo bago ang 24 Oras.

And after ng 24 Oras, ang pagtatapos ng drama series na AnnaKareNina. Sino  nga kaya ang tunay na AnnaKareNina kina Anna (Krystal Reyes), Karen (Barbie Forteza) at Nina (Joyce Ching)? Makilala kaya ni Maggie (Yas­mien Kurdi) kung sino ang tunay niyang anak? Matakasan naman kaya ni Ruth (Valerie Concepcion) ang mga kasalanan niyang ginawa, o ano ang parusang matatanggap niya?

ALBERT LANGITAN

ALI GUI

ALWYN UYTINGCO

ANDREA TORRES

BARBIE FORTEZA

BINOY

BINOY HENYO

CHEF BOY LOGRO

LOVE HOTLINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with