^

Pang Movies

Lorna nasayang sa indie film na hindi na-promote

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sayang ang ginawang pelikula ni Lorna Tolentino. Napakaingay noong simula dahil sa tema ng project pero nang lumaon ay naging malamig na ang publisidad. Ganyan naman kasi ang promo ng mga pelikulang indie, parang sakit lang ng tiyan.

Pagkatapos na mailabas ng ilang araw lang sa Cinemalaya Independent Film Festival, hindi na natin nabalitaan kung ano na ang nangyari. Iyan kasing mga producer ng indie, sa sobrang pagtitipid ay ayaw mag-promote. Basta natapos nila ang isang pelikula, ang gusto nila ilabas na lang nang ganun. Paano namang panonoorin ng mga tao kung wala silang kamalay-malay kung anong klase ng pelikula iyon?

Vilma walang interes maging National Artist

May mga nagtatanong sa amin, bakit nga raw ba mukhang hindi considered si Gov. Vilma Santos-Recto para maging National Artist? Hindi naman sa hindi considered dahil lumutang din naman ang kanyang pangalan noong una pero kung kami ang tatanungin, hindi pa talaga dapat na ambisyunin ni Ate Vi ang mga ganyang title.

Isa pa, kahit na isang mahusay na aktres si Ate Vi, at kahit na nga sabihin ninyong ang pelikula niya ay inilalabas sa commercial theater circuits, at kaya naming pangalanan ngayon kung anong mga sinehan iyon pati na ang booking schedule, hindi siya kagaya ng iba na inilalabas lang sa maliliit na preview rooms na inupahan pa nila at ang nanood ay libre lang.

Ngayon bale pitong taon na siyang gobernador ng Batangas. Doon sa katayuan ni Ate Vi sa ngayon, mas kinikilala siya dahil sa kanyang serbisyo sa gobyerno.

Iyon lamang lumabas na siya ang may pinakamataas na approval ratings sa lahat ng mga elected officials sa ating bansa sa ngayon, aba eh, napakalaking karangalan na iyon. Sa parte naman ng sining, iyong kumita pa rin ang kanyang ginawang pelikula, kahit na iyon ay isang indie na maliit lamang ang puhunan, katunayan iyon na gusto pa siya ng mga tao. Iyon ba namang mga ganyang achievement ay kulang pa?

Hindi na nga siguro dapat isipin na maidedeklara siyang National Artist, dahil sabi nga ng ilang observers, “Baka dumating ang araw na siya ang magdedeklara kung sino ang National Artists.”

Kaso ni Kris apektado sa pagkawala ni Atty. Frank Chavez

Yumao na si dating Solicitor-General Frank Chavez, siya rin ang tumatayong abogado ni Kris Aquino laban sa dati niyang asawang si James Yap. May naiwan pang kaso, iyong hinihingi ni James na visitation rights niya bilang ama ng kanyang anak.

Ipinipilit naman ng kampo ni Kris ang Permanent Protection Order na ibinigay ng korte kaya hindi puwedeng malapitan ni James kahit na ang anak niya mismo. Ngayong wala na si Atty. Chavez, paano na kaya ang kaso ni Kris?

 

ATE VI

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

FRANK CHAVEZ

IYON

JAMES YAP

KRIS AQUINO

LORNA TOLENTINO

NATIONAL ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with