^

Pang Movies

Eugene maraming natutunan kay Maria

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Grabe pala si Eugene Domingo kung humanga sa paborito niyang artista na si Maricel Soriano. Bale second movie nang magkasama sila sa Momzillas. Ang first movie kasi na pinagsamahan nila ay ang Bahay Kubo pero hindi pa bida si Uge noon.

Halos lumuwang ang butas ng ilong ni Eugene tungkol sa pagkukuwento niya sa co-star. Marami raw siyang natutunan sa Diamond Star. ’Yung talent ni Maria na super galing umarte na ’pag kailangang umiyak sa eksena ay mabilis na tumutulo ang luha, iyon daw ang gusto ni Eugene na magaya niya.

‘Gov. ER sumugod sa bahay’

Naging talk of Golden City sa Laguna si Gov. ER Ejercito, the action man ng aming province na hindi na yata natutulog kahit gabi at kapag kailangan ng mga kababayan niya ay laging matatagpuan siya sa kanyang office sa Kapitolyo sa Sta. Cruz.

Eh kasi ginulat kami nang dumating sa aming bahay with his security, his brothers Gerald and Jerome. Natunugan ng mga taga-Phase 3 ang magiting na gobernador. Eh bakit ’di ka magugulat, may naunang security force at kilala ang van na sakay si Gov. ER at ang mga tao niya? Natural, nagsunuran ang mga tao at halos lahat ng neighbors ay nagsilabas sa bahay nila. Maaga pa kasi ay may naka-motorcycle na pulis na at ang hinanap ay ang bahay ko at sinabi na darating ang gobernador kaya nalaman nila. ’Yun na, pasa-pasa ang balita.

At nataranta ako kasi ’di ko inisip na 7:00 p.m. ang kanyang arrival. Akala ko mas late pa. Shy man ang mga kapitbahay ay naaliw naman sila dahil grabe raw pala in person ang actor-politician, guwapo at napakabango. Ang lakas daw ng sex appeal talaga. Nakipagtsikahan naman at bumati sa kanila.

It’s an honor for me na dinalaw kami ni Gov. ER matapos ang aming pagkakasakit. Salamat sa katotong Jobert Sucaldito, ang radio host ng programang Mismo na sinabi niya na may sakit kami.

Napaka-busy ni Gov. ER pero isiningit niya sa schedule niya ang pagpunta sa bahay. Salamat po! God bless!

vuukle comment

BAHAY

BAHAY KUBO

DIAMOND STAR

EUGENE DOMINGO

GERALD AND JEROME

GOLDEN CITY

JOBERT SUCALDITO

MARICEL SORIANO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with