^

Pang Movies

Bangs nagkapasa-pasa sa bugbog ni Allen

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ang ganda ng indie film na Lauriana at pulido ang pagkakagawa nito sa direksiyon ni Mel Chionglo. Umani ito ng palakpakan matapos ang advanced screening. Nabigyan din ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.

Magaling na ang mas senior na aktor na si Allen Dizon pero isang malaking rebelasyon si Bangs na puwedeng magkamit ng best actress dahil makatotohanan ang karakter niya bilang asawa na binubugbog ng sadistang sundalong si Allen o Samuel Corazon. Nadala kami sa iba’t ibang emosyon habang pinapanood ang pelikula na magkahalong galit kay Allen at awa kay Bangs.

Inamin naman ng aktres na nahirapan siya sa bugbugan scene at nagkapasa-pasa ang katawan. Si Allen naman ay puro kalmot ang inabot lalo na sa maromansang eksena ng kapareha kapag nanlalaban sa kanya ang asawa.

Sinabi ng Gawad Tanglaw president na si Dr. Jaime Ang na kahit psychologically disturbing ang film ay excellently crafted ito ni Direk Mel at magaling ang sinematograpiya ni Nap Jamir. Timely ang pelikula dahil inilalarawan nito ang pang-aabuso sa kababaihan.

Thea kinagat sa Pyra

Noong una ay kabado si Thea Tolentino na nabigyan ng malaking break bilang bida sa Pyra, ang Babaeng Apoy dahil inaakalang baka hindi siya tanggapin ng manonood.

Pero napawi ito dahil kinagat ng mga tao ang drama-fantasy na nagtala ng mataas na rating.

 

vuukle comment

ALLEN DIZON

BABAENG APOY

CINEMA EVALUATION BOARD

DIREK MEL

DR. JAIME ANG

GAWAD TANGLAW

GRADE A

MEL CHIONGLO

NAP JAMIR

PYRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with