^

Pang Movies

Parang pork barrel: TV5 bilyun-bilyon na ang lugi

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Mahirap tuparin ang pangako ng bagong president at CEO ng TV5 na si Noel Lorenzana na pipigilin niya ang pagkalugi ng network noong past two years hanggang ngayon.

Ayon sa report, nalugi ang network ng P4.1 billion noong 2011 at sa kalahati pa lang ng 2012 ay lumipad na sa hangin ang P2.8 billion! Nakakawindang na figures na tila lalampasan pa ang pork barrel scam!

Ang unang hakbang ni Lorenzana ay mag-produce ng mga kakaibang palabas na entertaining, exciting. Ang magiging focus niya ay “counter programming.”

Gusto ng TV big boss na bigyan ang mga viewer ng kakaibang pagpipilian o alternative.

Ilan sa mga potential top-raters na sisimulan ng TV5 ay ang Showbiz Police sa late afternoon weekend slot, Tropa Mo Ko Unli, Killer Karaoke, What’s Up Doods, at The Mega and the Songwriter.

Sana mapansin din ng bagong Kapatid president ang mga sobrang taas na talent fee ng mga artista na hindi naman deserving. Meron pa kaya siyang magawa kung nasa existing contract na ang mga sky-high talent fee?

Mikael kapos sa trabaho kaya gusto na ring maging ‘bading’

Handang gumanap ng gay role si Mikael Daez. Paniwala niya, kahit anong klaseng papel, dapat gampanan ng buong husay ng isang tunay na aktor. Say pa niya, nasa kultura naman natin ang mga bading, kaya dapat na maisali sila sa mga istorya ng teledrama o pelikula.

Well, kung ang isang aktor naman ay kapos sa trabaho, makakapamili pa kaya?

Ryzza Mae hindi na puwedeng mag-live para marendahan?

Mabuti naman at masipag nang magbantay ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng mga TV show geared for young audiences. Pati si Ryzza Mae Dizon, na ang akala natin ay harmless dahil eight years old pa lang, capable palang maging negative ang dating sa kanyang mga kapwa tsikiting.

Bukod sa Tropang Bulilit, pati ang The Ryzza Mae Show ay meron ng resident psychiatrist upang maging consultant sa script ng kanilang mga skit at mga sinasabi.

Paano kaya marerendahan ang madaldal na si Ryzza Mae kapag nag-ad-lib na sa live show? Dapat kayang i-tape na muna ang kanyang palabas?

Kim sumisimple ng tingin kina Maja at Gerald

Sa mga dumalo sa traditional Star Magic Ball, most excited si Maja Salvador. First time kasi na ang escort niya ay si Gerald Anderson. Siyempre nagpasadya siya ng magandang gown for the annual, special occasion.

Gerald was simply happy and proud to be Maja’s partner. Isa sa mga dumalong very observant ay napansin ang side glances ni Kim Chiu sa lovely pair. Kanya-kanyang panahon lang ’yan, iha.

Say naman ng mga pintasera, buti’t walang dumalong mukhang Joker o Penguin, na mga kontrabida sa Batman!

Max inaabangan sa pagpo-promdi

Akala ng iba, magiging awkward para sa Fil-Am cosmopolite na si Max Collins ang gumanap ng barriotic beauty sa Bamboo Flowers ni Maryo J. Delos Reyes. Nagtaka sila nang mapanood ang ilang tagpo sa obra ng director para sa Sineng Pambansa All Masters Edition simula sa Sept. 11.

Premiere screening ng Bamboo Flowers sa SM Megamall, this evening at puwede nang mapanood kung paano nagampanan ni Max ang papel ng probinsiyanang nagtatrabaho sa isang resort sa kanilang lugar.

Nanligaw sa kanya ang isang banyagang turista na nangako ng masaganang buhay sa ibang bansa. Dito nagsimula ang conflict sa pelikulang puno ng pag-asa.

Mga artista ni Direk Gil Portes sa Twinkle… hindi kilala

Kahit naiba ng husto ang cast ng Ang Tag-araw ni Twinkle na lahok ni Direktor Gil Portes sa Sineng Pambansa filmfest, sinigurado naman niya ang kalidad at positibong pananaw na dulot ng kanyang pelikula.

Medyo hindi gaanong kilala ng commercial movie viewers sina Ellen Adarna at Arnold Reyes pero mahuhusay silang artista na gumanap na sa mga indie film.

ANG TAG

ARNOLD REYES

BAMBOO FLOWERS

DELOS REYES

DIREK GIL PORTES

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with