^

Pang Movies

OTJ, Ekstra, Thy Womb, Tiktik pinagpipilian para ipadala sa Oscars

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinagpipilian na kung anong pelikula ang ipapadala ng Film Academy of the Philippines (FAP) bilang entry para sa pagpipilian sa best foreign language category ng 86th Academy Awards sa 2014.

Siyam na pelikula ang kasalukuyang nasa shortlist ng FAP at pag-aaralan ito ng mabuti ni FAP director-general Leo Martinez at ng kanyang eight-man committee na binubuo nina Chairman Peque Gallaga, FAP deputy director-general Robert Arevalo, Directors Guild of the Philippines secretary Jose N. Carreon, Philippine Motion Picture Directors’ Association president William Mayo, Production Designers Guild of the Philippines president Manny Morfe, United Film Editors Guild of the Philippines president Jess Navarro, director Elwood Perez, and actress-director Gina Alajar.

Naglabas ang FAP sa website ng press release patungkol sa kanilang selection ng magiging Philippine nominee for the said category ng Oscars 2014:

“Oscars Awards’ rules for the best foreign language film category stipulate that to qualify, the Philippine entry must have been commercially exhibited in the country for at least seven consecutive days during the period from October 2012 to September 2013.

“A Filipino must be in two of the three capacities as film producer, director or scriptwriter.”

Heto ang siyam na pelikula na nakapasok sa shortlist ng FAP:

Boses (directed by Ellen Ongkeko-Marfil); Dance of the Steel Bars (directed by Cesar Apolinario and Marnie Manicad); El Presidente (directed by Mark Meily); Ekstra/The Bit Player (directed by Jeffrey Jeturian); OTJ: On the Job (directed by Erik Matti); Supremo (directed by Richard Somes); Tiktik: The Aswang Chronicles (directed by Erik Matti); Tuhog (directed by Veronica Velasco); and Thy Womb (directed by Brillante Mendoza).

Bakasyon ni Gloria Romero naudlot dahil kay Direk Laurice

Hindi pala dapat tatanggapin ni Ms. Gloria Romero ang teleserye na Akin Pa Rin ang Bukas dahil gusto nitong magbakasyon muna sa pag-arte. Magkakasunod kasi ang nagawa ni Tita Glo na series sa taong ito - Cielo de Angelina at Forever. May plano munang mag-out of the country ang veteran actress pero biglang dumating ang bagong offer ng GMA 7.

“They gave me the role of Cristina Alperos, the mother of Cesar Montano. The role was originally for Liza Lorena. Pero nag-resign daw si Helen Gamboa sa show, kaya si Liza ang pinalit nila. Ako naman ang naisip nilang kunin sa role ni Liza.

“When they told me that the director will be Laurice Guillen, aba, natuwa ako at tinanggap ko. I changed my plans kasi matagal ko nang hindi nakatrabaho si Laurice.

“Laurice directed me in my award-winning role in Tanging Yaman. That was 13 years ago. Before that, I’ve worked with Laurice in films such as Kapag Langit ang Humatol, American Adobo, Sana Dalawa Ang Puso Ko, Kung Mahawi Man ang Ulap, and in her directorial debut, Kasal?

“Kaya okay lang for me to be in this series. I’m doing this because mahal ko si Laurice. I like the way she works. Ayaw niyang napapagod masyado ang kanyang mga artista at ayaw din niyang magpuyat,” sabi ni Tita Glo.

Siya rin ang gaganap na mother ni Cesar.

Nabuntis na gf ni Simon Cowell nakipag-divorce na sa asawa

Baby boy ang magiging anak ng former American Idol judge na si Simon Cowell at ng kanyang girlfriend na si Lauren Silverman.

Tuwang-tuwa ang couple nang malaman nilang lalaki ang magiging anak nila.

“I’m proud to be a dad,” ngiti pa ni Simon sa kanyang interview sa BBC.

“It’s something I haven’t thought of before, and then, now I know I feel good about it. And Lauren is a very special girl.”

Naging controversial ang pagbubuntis ng New York socialite girlfriend ni Cowell dahil legally married pa ito sa kanyang estranged husband na si Andrew Silverman nang magdalangtao ito kay Simon.

Si Simon at si Andrew ay matalik na magkaibigan. Pero ayon sa The X Factor judge ay naging maayos na ang lahat sa kanila ni Andrew dahil nagkapaliwanagan na sila at officially divorced na si Lauren sa dating asawa.

A FILIPINO

ACADEMY AWARDS

AKIN PA RIN

AMERICAN ADOBO

AMERICAN IDOL

DIRECTED

ERIK MATTI

SIMON COWELL

TITA GLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with