^

Pang Movies

Kris tuwang-tuwa: Bimby showbiz ang hilig

- Vinia Vivar - Pang-masa

Natutuwa si Kris Aquino na namana rin ng kanyang anak na si Baby James or Bimby Yap, Jr. ang kanyang interest sa showbiz. As we all know, artista na ang bunso niyang anak at may ginagawang pelikula ngayon na ipalalabas sa Metro Manila Film Festival sa December, ang My Little Bossings with Vic Sotto and Ryzza Mae Dizon.

“More than half of my life, I’d been living in the world of entertainment at masaya akong malaman na namana rin ng aking anak na si Bimby ang aking hilig to be in front of the camera,” say ni Kris sa kanyang Kris TV show.

“Pero sa ngayon ay magpapaka-stage mother muna ako para ma-guide ang aking bunso sa kanyang big screen debut. For this year’s Metro Manila Film Festival, si Bimby muna ang bida as I work behind the camera bilang isa sa mga producer under my very own film outfit Kris Aquino Productions.”

Ang iba pang producers ng movie ay sina Vic Sotto ng M-Zet Films, Tony Tuviera ng APT Entertainment, at Orly Ilacad ng OctoArts Films.

May special appearance rin si Kris sa pelikula at aniya ay true to life ang role niya bilang mother ni Bimby.

Sa movie ay si Ryzza Mae ang ka-partner ni Bimby at this early ay nag-promise na si Kris sa Aling Maliit na kapag na­ging super hit ang movie ay dadalhin niya ito sa US Disneyland kasama pa ang ina.

Nalaman kasi ni Kris na Hong Kong Disneyland pa lang ang napupuntahan ni Ryzza Mae kaya gusto niya itong dalhin sa original Disneyland.

Julia nadagdagan ng pressure

Aminado si Julia Montes na nadagdagan ang pressure niya nang maurong ang timeslot ng teleserye nila ni Enrique Gil and Enchong Dee na Muling Buksan ang Puso. Mula sa second timeslot (after Juan dela Cruz), ngayon ay nasa third slot na sila to give way to Got to Believe.

“May pressure kasi mahirap ang third slot eh. Sana suportahan pa rin ng mga tao. Wala naman iyon sa timeslot. Sana lahat ng mga sumusuporta, patuloy pa rin nilang panoorin,” say ni Julia in an interview.

But it turned out na wala namang dapat ipag-worry si Julia dahil kahit naurong ang slot nila ay mataas pa rin ang ratings ng Bukas na Lang Kita Mamahalin.

Say naman ng young actress, tiwala naman siya talaga sa desisyon ng management dahil alam naman niyang mas alam ng mga namamahala ng show kung ano ang mas mabuti. It’s just that, normal lang naman siguro ang kabahan.

Samantala, excited si Julia na makakatrabaho sa ser­ye ang magaling at veteran actor na si Christopher de Leon na kapapasok lamang.

Ginagampanan ni Boyet ang role na Anton na lilikha ng matinding impact sa buhay nina Sarah (Julia) at Leonel (Enchong).

Andi masisilayan na bilang anak ni Zuma

Ngayong Setyembre, masisilayan na ng TV viewers ng ABS-CBN ang remake ng Galema: Anak ni Zuma na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. 

Ngayong 2013, bilang bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng telebisyon sa Pilipinas, muling ipakikila sa TV viewers si Galema: Anak ni Zuma na malapit nang mapanood sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Ang inaabangang TV remake ay sa ilalim ng direksiyon ng award-winning at box-office director na si Wenn V. Deramas.

vuukle comment

ALING MALIIT

ANAK

ANDI EIGENMANN

BABY JAMES

BIMBY

JULIA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

RYZZA MAE

ZUMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with