^

Pang Movies

Makisig na laos na aktor inilalako ang ka-live in para magka-pera

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Laganap kahit saan ang kalakalan. Kahit anong pagkakakitaan binebenta. Nagulat pa ba kayo kung ang isang makisig na aktor ay nilako pati ang kanyang live-in partner sa sobrang pagkalulong sa bawal na gamot at sugal?

Meron pa naman siyang anak na lalaki sa kanyang kinakasama na ngayon ay binibenta. Say naman ng iba, hindi naman tiyak, kung sa kanya talaga ang bata. Naging GRO kasi sa isang kilalang club ang girl, bago sila magsama.

Kahit ano pa ang gawin ng aktor sa kanyang part­ner, payag naman siya. Basta’t huwag lang siyang hihiwalayan dahil sobrang mahal niya ang laos na artista.

Assunta hindi puwedeng maubusan ng yaman, Rep. Jules sobra ang pork?

Noon ay nasiyete na purita mirasol (naghihirap) na si Assunta de Rossi kaya bumalik siya sa eksena. Sinisiraan pa siya ng nagbebenta na ng mga brilyanteng alahas dahil naubos na ang yaman ng kanyang mister na si Rep. Jules Ledesma.

Sabi naman namin, nami-miss lang ni Assunta ang limelight, kaya nag-artista siya uli, to fight ennui.

Imposible kasing paniwalaan na naghihikahos sila, kung sakaling totoo ang balita ang mister niya ang may isa sa pinakamalaking pork barrel, sobra ang P70m na karaniwang natatanggap ng isang kon­g­resista.

Teatro biglang sumigla

Masiglang-masigla ngayon ang theater scene sa ating bansa. Bukod sa mga darating na foreign musical, halos lahat ng Pinoy theater company ay may mga bagong palabas.

Inaabangan nga natin ang Lorenzo, produced by Christopher de Leon and directed by Nonon Padilla. Ang Gantimpala Theater ongoing ang palabas na Kanser na mula sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Ang UP Repertory ay ipapalabas ang updated version ng musical ni Gary Granada, Lean, tungkol sa aktibistang pumanaw sa edad na 27 at unang ipinalabas noong 1977.

Siyempre ang Repertory Philippines, tuloy ang theater season. Kung gusto ninyong manood ng live drama o musical, dumayo sa isang palabas sa legitimate stage ng mga theater company. Very fulfilling ang experience at tiyak na magiging theater fan din kayo.

Mga director bidang-bida sa Sineng Pambansa

Sept. 8 ang premiere night ng Bamboo Flower ni Direktor Maryo J. Delos Reyes sa Megamall Cinema. Mula mismo sa batikang filmmaker ang kanyang bagong obra ay film of hope.

Tinitiyak ni Maryo J na magbibigay ng inspirasyon at positibong pananaw sa lahat ng manonood ang Bamboo Flower. Mapapanood ito sa pagsisimula ng Sineng Pambansa All Masters Edition Film Festival.

Sa filmfest na ito, ang mga bida ay ang mga director. Hindi gaanong papansinin kung sinu-sino ang gumanap sa mga lead role. Ang box-office attractions ay ang mga master director mismo.

Mag-asawang Robert at Isay magpe-perform sa Bethlehem sa Pasko

Naging big hit sa mga foreign tourist ang mini concert ni Mitch Valdez sa Manger Square, Bethlehem noong 2012 Christmas Season. Kaya nakumbida uli ang producer ng show and this time, sina Isay Alvarez at Robert Seña ang mga featured performer on Dec. 23.

Every Yuletide season, dumarayo sa Holy City ang mga turista, bukod sa mga Pinoy pilgrim kaya naghahanda na ng magandang show ang husband-and-wife team na sina Isay at Robert.

Tom Hanks hahawakan ng Bourne director

Next month na palabas ang Captain Phillips na bida ang two-time Oscar best actor awardee na si Tom Hanks. Tungkol ito sa isang barkong captive ng mga Somali pirate and directed by Paul Greengrass na gumawa ng The Bourne Supremacy at The Bourne Ultimatum.

Kilala si Greengrass sa mga natural niyang eksena, na walang pakialam sa mga nakagawiang blocking.

Mga paboritong putahe ni Erap specialty lahat ng ina

Ginutom kami nang mabasa ang mga paboritong putahe ni Manila Mayor Joseph Estrada — sopa de mariscos, kilawing librillo, at caldereta de vaca!

Siyempre ang nagluluto nito noon for Erap ay si Donya Mary Ejercito na mama ng former president.

ANG GANTIMPALA THEATER

ASSUNTA

BAMBOO FLOWER

BOURNE SUPREMACY

BOURNE ULTIMATUM

CAPTAIN PHILLIPS

TOM HANKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with