^

Pang Movies

Mga bidang artista ng isang series biglang dumami ang demands and conditions, staf nabubuwisit na

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabubuwisit na ang ilang staff ng series dahil biglang dumami ang demands at conditions ng mga bidang artista. Pinayagan na nga silang magkaroon ng sariling stylists at make-up artists, aba, nagmamarukulyo sila kapag hindi nila nagustuhan ang damit na pinasusuot sa taping, huh!

Ayaw isipin ng staff na lumaki na ang ulo ng mga artista. Never naman kasi nilang naranasan ang ganoong demands sa bidang aktres na nakatrabaho na nila. Wala rin sa image ng aktres ang pagiging maldita. ‘Yung aktor naman daw, nagagawa namang pakiusap.

Nagtitiis na lang ang staff dahil matatapos na rin naman ang show ng dalawa. Pero kung sakaling ang aktres muli ang makakasama nila sa bagong programa, iiwasan na nilang makatrabaho ito dahil baka tuluyan nang gumaspang ang ugali niya, huh!

Aljur laging kinakantahan si Kylie para sumaya

Happy pa rin si Aljur Abrenica sa relasyon nila ni Kylie Padilla. Nag-mature na raw ang relasyon nila.

“Wala naman kaming pupuntahan kundi mag-mature kaming dalawa,” rason ni Aljur.

Contrary sa tsismis na naburyong si Kylie dahil sa wala pang trabaho sa GMA, ayon kay Aljur, “I am happy na masaya siya ngayon. Masaya ako na masaya si Kylie sa nangyayari sa kanya,

“’Yung sa amin, okey eh. ‘Yung personal niya, masaya siya ngayon!”

Paano niya pinasasaya si Kylie kapag may problema?

“The right thing to do is damayan siya. Kantahan siya. Lagi ko siyang kinakantahan,” katwiran ng aktor.

Lalo bang lumalalim ang relasyon nila?

“Basta sa relasyon namin, alam namin ang gusto namin sa buhay. Kasi nga mga bata pa kami. ‘Yun palagi ang sinasabi ng mga magulang namin. Marami kumbaga…’Yun ang maganda eh. Marami pa kaming gusto sa amin at nagsusuportahan kami,” paliwanag ni Aljur na nasa cast ng bagong GMA show na Prinsesa ng Buhay Ko.

Bossing Vic walang planong kastiguhin si Wally?

Maging si Jose Manalo ay pinaglalaruan sa social media tungkol sa sex video ng ka-partner na si Wally Bayola. Ginamit pa si Vic Sotto sa mga panunukso ni Jose sa isang account sa Facebook.

Eh, sa ngayon, tanging sina Jose at Paolo Ballesteros ang segment hosts ng Juan for All All for Juan ng Eat Bulaga.  Hindi muna pinapasok sa programa si Wally.

Pero this Sunday, ang alam namin, magsisimula nang shooting ng My Little Bossings si Vic. Kasama sa cast sina Jose at Wally.

Eh knowing Vic, sa halip na pagalitan si Wally, tiyak na lalaruin lang niya si Wally upang ‘di makadagdag pa sa problemang dumating sa kanya.

 

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ALL ALL

BOSSING VIC

BUHAY KO

EAT BULAGA

JOSE MANALO

KYLIE PADILLA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with