^

Pang Movies

Kris pinangakuan si Ryzza Mae at nanay na dadalhin sa Disneyland sa Amerika

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Aminado si Kris Aquino na stagemom na siya ng anak na si Bimby Yap, ngayong magsisimula na itong mag-artista sa My Little Bossings, para sa coming Metro Manila Film Festival sa December. Isa si Kris sa producers, kasama ang M-Zet ni Vic Sotto, OctoArts Films ni Orly Ilacad, at APT Entertainment ni Antonio P. Tu­viera. 

Nasa cast din siyempre si Vic as Torky at si Kris na mom ni Bimby.

On hand na si Kris sa pictorial pa lamang for the movie under Mark Nicdao at first time ang pagmi-meet personally nina Bimby at Ryzza Mae Dizon last Sunday, Sept. 1. Puring-puri ni Kris ang bunsong anak na super guwapo raw. Need si Kris every time na may shooting ang dalawang bata dahil kahit nakakaintindi ay hindi nagsasalita ng Tagalog si Bimby. Si Ryzza Mae naman nosebleed daw siya kay Bimby dahil konti lamang ang alam niya sa English. Pero ang dalawang bagets, magkasundo sa pagkanta ng Pusong Bato na pareho nilang favorite!   

Kahapon, nag-guest sina Kris at Bimby sa The Ryzza Mae Show (no, hindi sila pumunta sa studio ng Eat Bulaga) at sa pag-uusap nila ng kid TV host, tinanong ni Kris kung may US visa raw si Ryzza Mae. Nag-promise siyang dadalhin niya sina Ryzza Mae at Mommy Rizza nito sa Disneyland sa States.

Young actress na nasa kolehiyo pa lang, malilimutin na

Maaga namang nagkaroon ng memory lapses ang isang young actress. May times daw na nakakalimutan niya kung ano ang ginawa niya noong nagdaang araw. Nakakalimutan din niya ang mga name ng mga kasama niya sa taping pero bumabalik din daw naman ito, naalaala rin naman niya. 

Nag-advice kami sa kanya na dapat magpa-check up siya sa doctor para maagapan dahil nag-aaral pa naman siya sa college.

Biro tuloy namin sa kanya na baka may tao lamang siyang gustong makalimutan. Sagot naman niya ay wala raw naman dahil kung may hindi magandang nangyari sa kanila noon, naka-move on na siya at friends pa rin sila ngayon.

Charee pinag-aralan ang atake sa pagwawalanghiya

Kahit matagal na palang walang project si Charee Pineda sa ABS-CBN, maayos pa rin siyang nagpaalam nang magpasya siyang lumipat sa GMA Network, Inc. Ini-offer kasi kay Charee ang kontrabida role bilang si Agatha Morales, girlfriend ni Jerry (Rocco Nacino) pero naghangad    silang makamkam ang kayamanan ng mga Villacorta nang paibigin ni Jerry si Lovelia (Lovi Poe) at ni Aga­tha si Roel Villacorta (Gary Estrada), ang tunay na ama ni Lovelia na isang bastarda sa Akin Pa Rin Ang Bukas. 

Hindi naman bago kay Charee ang gumanap na kontrabida dahil madalas iyon ang role na na­gampanan niya noon pero, this time, pinag-aralan pa rin niya kung paano ang pag-atake sa kanyang role. Thankful siya sa pagtitiwala sa kanya at ang makatrabaho sina Cesar Montano, Gary, Rocco, Lovi, at maidirek for the first time ni Laurice Guillen.

 

vuukle comment

AGATHA MORALES

AKIN PA RIN ANG BUKAS

ANTONIO P

BIMBY

CESAR MONTANO

CHAREE PINEDA

NIYA

RYZZA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with