^

Pang Movies

Dahil sa mapangahas na pagbabakla, Jake napansin na ang acting

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkaroon ng advanced screening ang Lihis ni Joel Lamangan kamakailan at halos iisa ang sinasabi ng mga nakapanood: Magaling si Jake Cuenca. Baka ito na ang pelikula niya na tatanghalin siyang best actor!

Istorya ito ng dalawang lalaking nakikipaglaban sa bayan, sina Cesar (Jake) at Ador (Joem Bascon). Pareho silang aktibista na sumali sa Kaliwa at talagang hindi sila magkasundo sa simula, halos magpatayan sa galit sa isa’t isa. Hanggang matagpuan nila ang sarili nilang umiibig at nagmamahal sa isa’t isa. Kung paano, iyan ang abangan ninyo sa Sineng Pambansa filmfest sa Sept. 11-17.

Mahirap makalimutan ang lovemaking ng dalawa sa ta­bing ilog. Nakahiga si Jake at si Joem ang umaariba sa kanya na parang totoong-totoo! Aakalain tuloy na talagang bading sila sa totoong buhay.

Pero hindi ito ang ibinibenta sa pelikula kundi ang istorya mismo at ang husay ng perfor­mance ng buong cast gaya nina Lovi Poe, Raquel Villavicencio, at kahit si Isabella Daza ay nakaarte.

Gerald bilib sa diskarte ni Dawn

Walong oras pala kinunan ang love scene nina Gerald Anderson at Dawn Jimenez sa OTJ (On the Job) na palabas na ngayon. Kaya pala pinigilan ito ni Albie Casiño na boyfriend ni Dawn dati at kaya sila nag-break.

Pero sabi ni Dawn, okay lang kung hindi na sila ni Albie.  “Mas importante ang career ko kaysa love life,” diin niya.

Ayon naman kay Gerald, hindi tuluy-tuloy ang love scene na iyon sa kanila. Kaya tumagal ay iba-ibang anggulo kasi ang kinunan. 

“But I am not complaining,” sabi ni Gerald.

Bilib daw siya sa propesyonalismong ipinakita ni Dawn na hindi rin nagreklamo sa mainit nilang eksena. At kahit lumuwa na rin ang dibdib ng dalaga sa OTJ.

Janine iiwan na si Benjamin

Ang pamangkin ni Piolo Pascual na si Benjamin Alvez ang sinasabing dumidiskarte ngayon sa Miss Universe 2012 first runner-up na si Janine Tugonon. Bale lumilitaw na siya ang pangatlong lalaki sa buhay ng beauty queen. Una ay si Jaypee Santos na kanyang ex-boyfriend at ang ikawala ay si Danny O’Donoghue ng bandang The Script.

Pero sabi ni Janine, wala pang serious whatsoever sa kanila ni Benjamin. Nagkita lang daw sila sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival noon at nagkayayaang kumain sa labas. Idinidenay niya talaga ang Kapuso actor.

“Dalawa ang kasama kong friends noon nang lumabas kami,” sabi ni Janine na magbabakasakali na iiwan na ang Pilipinas at mag-a-Amerika na.    

                                

vuukle comment

ALBIE CASI

BENJAMIN ALVEZ

BUT I

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DANNY O

DAWN JIMENEZ

JANINE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with