^

Pang Movies

Mga sakim bibigyan ng leksiyon

Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang mabuting kahihinatnan ang pagiging sakim sa salapi at kapangyarihan.

Ito ang aral na ibabahagi ngayong Sabado (Agoto 31) sa pagtatapos ng Wansapanataym Presents Oh My Genius (OMG)! na pinagbibidahan ng Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz at Francis Magundayao, at award-winning child actor na si Bugoy Cariño.

Ngayong ginagamit na ni Mr. Choo (Dennis Padilla) ang kanyang super powers para magnakaw at manloko ng kapwa, mapipilitan na si Edison (Bugoy) na gamitin muli ang kanyang mga kapangyarihan upang maihinto ang kasakiman ng tatay ni Benson (Francis).

Ano nga ba ang gagawin nina Minnie (Ella) at Benson upang matulungan si Edison sa pakikipaglaban nito kay Mr. Choo?

Matututunan ba nila ang kahalagahan ng pagiging masaya sa kung anong biyayang bigay ng Diyos sa kanilang pamilya? Tampok rin sa Wansapanataym Presents OMG! sina Meryll Soriano, Igi Boy Flores, Jason Francisco, Jairus Aquino, Daisy Cariño, at Noemie Oineza.

Ito ay sa ilalim ng panulat nina Noreen Capili at Ferdinand Aguas at sa direksiyon ni Erick Salud. Huwag palampasin ang pagtatapos ng month-long special ng storybook ng batang Pinoy, Wansapanataym, 6:45 p.m., pagkatapos ng Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.

 

vuukle comment

BENSON

BUGOY CARI

DAISY CARI

DENNIS PADILLA

ELLA CRUZ

ERICK SALUD

FERDINAND AGUAS

FRANCIS MAGUNDAYAO

MR. CHOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with