^

Pang Movies

Justin pinakansela ang media tour para sa batang brain surgery survivor

SO...CHIMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang bumilib kay Justin Timberlake dahil sa kanyang concern sa isang fan.

Pinatigil muna ng sikat na singer ang kanyang media tour para mabisita at mag-spend ng time kasama ang kanyang 13-year-old fan na isang brain surgery survivor.

Giana ang name ng kanyang fan at nalaman ni Justin ang kondisyon nito sa ina nitong si Tina DiLascio na nakilala niya sa isang live radio interview niya. Isa sa mga bata ng Make-a-Wish si Giana at kelan lang ay naoperahan ito para matanggal ang isang blockage sa pituitary gland nito.

Isa sa wish ni Giana ay ang ma-meet personally si Justin Timberlake.

Natuwa naman ang pop singer-dancer sa hiling ng bata kaya pina-cancel niya muna lahat ng kanyang appointments at pinakuha niya si Giana para makasama niya ito.

Hindi makapaniwala ang bata na kasama na niya ang idolo at nagkuwentuhan pa sila. Tinawag niyang “the next Michael Jackson” si Justin at nag-thank you ito sa kanyang fan.

Noong mag-request si Giana na magpa-picture silang dalawa, may isang request lang si Justin sa kanyang fan. Sinabi niya na: “Only if you make it your screen saver!”

Bago naghiwalay ang dalawa ay niyakap ng mahigpit ni Justin si Giana at sinabi niya rito na magpagaling para makita niya ito sa susunod niyang concert.

Kakapanalo lang ni Justin ng apat na trophies mula sa 2013 MTV VMA (Video Music Awards).

Derrick tatanggap ng award sa Golden Globe

Bibigyan ng parangal ang isa sa young leading men ng primetime series ng GMA 7 na Anna Karenina na si Derrick Monasterio sa Golden Globe Annual Awards sa Sept. 29. Isa siya sa mga tatanggap ng award bilang Young Achiever for Entertainment & Arts. Magaganap ang awarding sa Manila Hotel.

Natutuwa naman si Derrick dahil kahit busy siya sa kanyang mga trabaho sa showbiz, hindi niya napapabayaan ang kanyang pagtulong sa mga kabataan bilang Youth Ambassador ng National Youth Commission (NYC).

Ellen aminadong nagdroga

Panghihinayangan ni Kris Bernal ang pag-back out sa indie film ni Gil Portes na Ang Tag-Araw ni Twinkle dahil isang magandang acting vehicle pa naman daw sana sa kanya iyon.

Pero dahil sa kanyang pagkawala sa project, pinalitan siya ni Ellen Adarna na mas naging perfect para sa role. Daring kasi ang role kaya walang takot ang sexy actress na ipakita ang hindi kaya ni Kris sa pelikula.

May mainit na love scene si Ellen kasama si Dominic Roco na hubo’t hubad sila at may eksena pang ipinapakitang sumisinghot siya ng cocaine.

 â€œI did tried drugs but I never became an addict. Basta tinikman ko ang mga bawal noon pa kaya tapos na ako diyan.

“Wala naman akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko noon. That made me who I am today. Mas matapang, mas independent. May family is always there to support me naman.”

Wala na raw boyfriend si Ellen ngayon at matagal na silang break ng businessman boyfriend niyang si Filo Cucueco.

Isa sa entries ng Sineng Pambansa Film Festival 2013: All Masters Edition ng Film Development Council of the Philippines ngayong September ang Ang Tag-araw ni Twinkle.

vuukle comment

ALL MASTERS EDITION

ANG TAG

ANG TAG-ARAW

GIANA

ISA

JUSTIN

JUSTIN TIMBERLAKE

KANYANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with