^

Pang Movies

Jake at Joem game sa maghapong love scenes

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nang i-offer pala ni Direk Joel Lamangan kina Jake Cuenca at Joem Bascon ang indie film na Lihis, sinabihan pala sila agad tungkol sa passionate kissing and love scenes nila na kung hindi nila gagawin ay huwag na lamang nilang tanggapin. Si Jake, kahit pa raw anong role at kahit ano ang ipagawa sa kanya ni Direk Joel ay gagawin niya dahil matagal na ring hindi niya nakakatrabaho ang prem­yadong director. Si Joem naman, para sa kanya, isang awakening movie ito na may social relevance, na mahirap tanggihan dahil baka hindi na siya muli makatanggap ng ganitong role.

Kaya naman kahit maghapon silang nag-shooting ng isa sa tatlong love scenes sa movie, na ginawa nila without inhibitions, ipinakita nilang they are so much in love with each other kahit pareho silang lalaki at bawal iyon sa kanilang samahan during the Martial Law. Pero love knows no boundaries at ipinakita nila ito sa pelikula.

Kasama rin sa Lihis sina Lovi Poe, Isabelle Daza, at Gloria Diaz. Ang Lihis ay isa sa sampung pelikulang ginawa ng 10 directors para sa Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition. Mapapanood na ang pelikula na isinulat ni Ricky Lee sa Sept. 11 to 17 in all SM Cinemas nationwide. Sa Sept. 8 ang premiere night sa SM Block Cinema 2. Isa itong collaboration ng Star Magic ng ABS-CBN at ni Direk Joel.

Marian busy sa regional shows

Kaysa patulan ng Primetime Queen na si Marian Rivera ang pang-ookray sa kanya ng ilang mapanirang writers at bloggers, pinagtutuunan niya ng pansin ang bagong schedule ng regional shows na lilibutin pa niya ang ilang probinsiya ng Pilipinas na ngayon pa lamang niya mararating. 

Sa Sept. 5 ay kasama niya ang boyfriend na si Dingdong Dantes, sa General Santos City; Sept. 22 ay nasa Naga City siya; Oct. 11 sa Dumaguete; Oct.18 sa Bacolod; at Oct. 30 sa Vigan in Ilocos. Pero sa Sept. 25 to 28, first time niyang pupunta ng Dubai para sa GMA Pinoy TV. 

May TV guestings si Marian bago ang premiere showing ng movie nila ni AiAi delas Alas ng Kung Fu Divas sa Oct. 1 at showing nila sa Oct. 2. Mayroon din siyang TV commercial shoot. Tatapusin niya lahat ito bago siya magsimulang mag-taping ng bagong primetime drama series pagkatapos ng meeting nila ng manager niyang si Rams David ng Triple A Entertainment kahapon with the production ng GMA Network, Inc.

Serye ng GMA may rigodon

May rigodon ng cast ng tatlong primetime drama series ng GMA 7, ang Anna Karenina, Mundo Mo’y Akin, at My Husband’s Lover simula mamayang gabi after ng 24 Oras. Yes, may mga character na lilipat sa ibang soap. Kaya pala minsan, nag-post si Neil Ryan Sese ng Annakarenina na honored daw siya na dinalaw siya sa taping nila ng isang mahusay na aktor mula sa ibang soap. 

 

vuukle comment

ANG LIHIS

ANNA KARENINA

BLOCK CINEMA

DINGDONG DANTES

DIREK JOEL

DIREK JOEL LAMANGAN

GENERAL SANTOS CITY

NILA

SA SEPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with