^

Pang Movies

Gerald dawit sa hiwalayan nina Dawn at Albie!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nag-break na pala sina Dawn Jimenez at Albie Casiño kamakailan. Tumagal din ng one year and two months ang kanilang relasyon na nagsimula nang magkapareha sila sa indie film na The Animals last year.

Si Dawn ang ipinalit ni Albie kay Andi Eigenmann. That time, nagsisimula na si Dawn sa showbusiness mula sa pagiging modelo at commercial model at first movie nga niya ang The Animals na ang controversial young actor ang kapareha niya.

During those times ay dumadaan pa rin si Albie sa mga intriga at si Dawn ang nasa tabi niya at tinulungan siyang maka-move on.

Ayon kay Dawn, mabait naman daw si Albie at talagang ipinakita sa kanya kung gaano siya kamahal. Pero may pagka-seloso raw ang ex-BF at nakipag-break ito sa kanya nang pumayag siyang gawin ang love scene with Gerald Anderson sa pelikulang On the Job na showing na sa Aug. 28.

“Pinag-awayan namin kasi akala niya may something sa amin ni Gerald. Na-explain ko naman talaga sa kanya na wala. Then, akala niya, nagte-text kami, eh hindi naman. Wala naman kaming numbers sa isa’t isa ni Gerald and hindi naman din kami masyadong nag-uusap sa set,” kuwento ng newcomer.

Eventually ay na-realize ni Albie na wala namang namamagitan sa kanila ng Fil-Am actor at trabaho lang talaga. Nag-apologize raw ito sa kanya at sinuyo siya ulit pero hindi na raw niya tinanggap pa ang ex-boyfriend.

 â€œNgayon, okay na sa kanya, tanggap na niya na we’re done and okay naman kami ngayon. Friends na lang,” saad ni Dawn.

When asked kung na-meet niya ang ex-girfriend ni Albie na si Andi, hindi pa raw at labas naman siya sa problema ng dalawa since tapos na ang relasyon ng mga ito when she entered the scene.

May claim si Andi before na napagbuhatan siya ng kamay ni Albie kaya tinanong namin si Dawn kung naranasan din ba niya ito sa ex-boyfriend at say niya, never naman.

Mabait daw si Albie and sweet pero ’yun nga lang, seloso.

Ayon kay Dawn, sa ngayon ay mas priority na lang muna niya ang kanyang nagsisimulang showbiz career at ayaw na muna niyang ma-in love ulit dahil tulad nga ng nangyari sa kanila ni Albie, napatunayan niyang mahirap talaga na pagsabayin ang love at career.

Kathryn at Daniel nangungunang hottest stars sa mga bagets

Tinanghal kamakailan ang Got to Believe lead stars na sina Kathryn Bernardo at Da­niel Padilla bilang Hottest Filipino Stars Under 20 sa online poll ng isang entertainment blog site na nilahukan ng libu-libong fans sa Facebook at Twitter.

Nanguna sa listahan si Kathryn taglay ang kabuuang 203,736 votes at sinundan ng ka-love team na si Daniel na nagkamit ng 148,415 na boto. Sa parehong online poll, nasungkit din ng teen queen at teen king of Philippine showbiz ang rank 1 at 2 noong 2011.

Samantala, ngayong Lunes, Agosto 26, na ang pinakahihintay na pagsisimula ng Got to Believe na mapapanood sa primetime slot ng ABS-CBN pagkatapos ng Juan dela Cruz.

Bilang regalo sa buong sambayanang nanabik sa TV comeback ng tambalang KathNiel, inilunsad ng Got to Believe ang espesyal nitong proyekto, ang G2B Army Color Fun Run.

Rufa Mae nag-aambisyong magka-award

Masaya na rin si Rufa Mae Quinto sa naging resulta ng pelikula nilang Ang Huling Henya na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan noong Miyerkules.

Nabiktima man ng bagyong Maring at ng hanging Habagat na nagdala sa buong Luzon ng matinding baha dahil sa malakas at walang tigil na ulan, natuloy naman ang pagpapalabas ng kanyang pelikula sa mahigit 100 na sinehan sa buong bansa.

At maganda naman ang naging feedback mula sa mga nakapanood. Marami ang pumuri kay Rufa Mae sa social media at komento nila, nag-level up na nga ang akting niya sa pelikulang ito.

Nagpapasalamat naman si Rufa Mae sa mga nanood na. Naniniwala rin siyang wala namang ipinanganak na boba, choice na lang daw ’yun ng isang tao kung gusto niyang maging mapurol.

“Sana manood naman kayo, sa mga hindi pa nakakapanood, alam n’yo na. Go, go, go,” sabi ng sexy actress.

Samantala, pinupuri naman ang acting ni Rufa Mae sa pelikula at maraming nagsasabi na mapapansin siya. “Wow talaga. Sana manalo ako ng award,” sabi nito sabay tawa.

vuukle comment

ALBIE

ALBIE CASI

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG HULING HENYA

DAWN

NAMAN

NIYA

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with