^

Pang Movies

Dahil sa datung ng male celebrity, mga kasosyo hindi nakapalag sa kanyang mga demand

SO....CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nag-pull out pala ng kanyang shares sa isang pinatatayong business and commercial building sa isang kilalang subdivision ang isang kilalang male celebrity. Naging malabo raw ang usapan nila ng kanyang kausap sa pag-advertise ng gusali. Kaya kesa sa magkaroon pa sila ng away, kinuha na lang niya ang kanyang shares. Tuloy, nag-stop construction ang naturang gusali dahil kinapos na sila ng funds.

Nakiusap nga ang ilang tao sa male celebrity na i-reconsider nito na maging partner ulit sa naturang project dahil malaki na ang nagastos nila. Sa pagkuha na lang ng permit ay katakut-takot na red tape na ang ginawa nila. Kasama na ang paggamit sa name ni male celeb para lang mapabilis ang mga papales nila.

Ngayon, kung malalaman daw na hindi na involved si male celebrity sa naturang project, may possibility na pag-initan sila at baka hindi na i-renew ang kanilang building permit dahil natengga na ng ilang buwan ang construction.

Naawa naman ang male celebrity sa mga nakiusap sa kanya. Kaya pumayag na rin siyang ibalik ang shares niya at dodoblehin niya ito pero ang kanyang request ay ang pangalan na niya ang gamitin sa facade ng building kapag natapos na. At full control dapat siya sa lahat nang magaganap sa project. Kung may gusto siyang ipaiba ay matutupad iyon.

Wala nang kumontra sa gusto ng male celebrity dahil desperado na sila. Kahit na alam nilang wala itong taste at maraming magrereklamo na mga homeowner dahil ang pangalan niya ang nakabalandra sa subdivision nila, susunod na lang sila basta matapos lang ang kanilang project.

Enzo feel gawing buong taon ang pagtulong sa mga bata

Tradisyon na ng Kapuso actor na si Enzo Pineda na mag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang mga bata. Mas nag-e-enjoy pa ang aktor na nakikitang marami siyang napapasayang mga bata kesa sa magkaroon siya ng isang malaking party.

Kaya noong bisperas ng kanyang birthday last Aug. 11 ay nag-celebrate siya ng kanyang kaarawan kasama ang 100 kids ng Alabang Elementary School sa Muntinlupa City.

Nagdala ang young actor ng pagkain at ilang mga regalo para sa mga batang naroon.

Sinamahan pa nga si Enzo ng kanyang mga kaibigan na sina Steven Silva, Julian Trono, at leading lady niya sa GMA afternoon series na Kakambal ni Eliana na si Kim Rodriguez.

Malapit nang magtapos ang Kakambal ni Eliana pero may sisimulan nang bagong weekly series si Enzo na Dormitoryo bukod sa weekly na pag-perform niya sa Sunday All Stars.

 

vuukle comment

ALABANG ELEMENTARY SCHOOL

ELIANA

ENZO

ENZO PINEDA

JULIAN TRONO

KAKAMBAL

KANYANG

KAYA

KIM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with