^

Pang Movies

Thea sinasarili ang galit

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nagdiwang ng kanyang 17th birthday si Thea Tolentino noong Aug. 13 at memorable ito dahil ilulunsad siya bilang bidang bituin sa Pyra: Ang Babaeng Apoy ng GMA 7.

‘‘Overjoyed po ako nang matanggap ang balita pero kabado rin po ako dahil lead agad at alam kong maraming mag-e-expect sa akin pero handa na po akong sumabak sa drama,’’ anang aktres.

Gagampanan ni Thea ang karakter ni Pyra na isang pyrokinetic. Meron siyang abilidad na gumawa ng apoy kapag sobra na ang galit. Pero sa totoong buhay ay hindi siya mapusok at kapag galit ay sinasarili na lang niya at nawawala ang galit kapag naibulalas na sa taong malapit sa kanya.

Noong manalo siya bilang grand champion sa Protégé bilang female winner ay pinangarap na nitong magtuluy-tuloy sa pag-aartista na nagkaroon naman ng katuparan.

Katambal ni Thea Tolentino sa Pyra: Ang Babaeng Apoy ang nanalong Protégé male champ na si Jeric Gonzales at excited na ang young actor sa kanilang proyekto.

Tapos ng nursing ang Kapuso star at naniniwala na may fallback siya sakaling dumating ang araw na manamlay na ang showbiz career. Pero ngayon ang focus niya ay ang pag-aartistang trabaho.

Gaya ni Thea ay nakalabas na si Jeric sa TeenGen, Love & Lies, at ito ngang Pyra. Malaki ang nagawa ng kanyang pagwo-workout at pagda-diet para makapagbawas ng timbang. Malaking bentahe sa kanya ang paggigitara na marunong din siyang kumanta.

Ano naman ang regalo niya sa kaarawan ni Thea?

‘‘Binigyan ko po siya ng unan na mayayakap niya kapag inaantok dahil sa matinding pagod. Pero sa ngayon isasantabi ko muna ang pag-ibig dahil gusto kong tumutok muna sa aking career.

“Ang mahalaga close kami ng leading lady ko bilang magkaibigan,’’ sabi ni Jeric.

vuukle comment

ANG BABAENG APOY

JERIC

JERIC GONZALES

PERO

PROT

PYRA

THEA

THEA TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with