^

Pang Movies

Kinoronahang reyna aktres walang ka-effort-effort umiyak dahil sa Vicks

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Isa sa mga toprated radio shows noong ’50s ang Reyna ng Vicks, hosted by Ric Tierro. Ang ginang na pinakamalungkot ang karanasan ang laging winner.

Biglang sumulpot ang naiibang Reyna ng Vicks, in today’s showbiz scene. Mahilig ding magkuwento ng sob stories ang aktres. To give her Crayola tales more impact, humahagulgol talaga siya habang nagsasalaysay. Ang daloy ng masaganang luha sa kanyang mga mata, daig pa ang Hinulugang Taktak!

Minsan na-ambush interview siya ng mga TV reporter (with their cameramen) sa isang gathering. Nag-excuse sandali ang bida at nagpunta sa comfort room. Hindi naman siya nag-retouch. Kinulapulan niya ng Vicks Vaporub ang dalawang mata upang madaling maiyak.

Amoy na amoy ng TV crew ang pamahid sa dibdib ng mga sanggol kapag may dinaramdam. Nakita nilang ang menthol smell ay galing sa eyes ng aktres. May Vicks pa ngang namuo sa mga talukap ng kanyang mata.

Napanalunan niya ang bagong titulong Reyna ng Vicks, agad-agad!

Aktor na maliit ang sandata ipinagtanggol ng beki na magaling naman sa kama

Nagtataka ang mga baklesh sa showbiz kung bakit nahumaling ang isang influential gay sa isang actor, gayong duty free naman ang menchu. Na-sight kasi nila ang footage ng isang M2M (man to man) movie, na-download ng assistant director na nakaaway ng sikat na director na may gawa ng gay movie. Truly nothing to tell mama about ang dapat na itago na lang na sandata ng artista.

Ang sabi naman ng isang beki na close friend ang isa pang director na unang nag-alaga sa actor, super husay sa romansa at kampeon sa laplapan ang actor na maraming beki na rin ang nakatikim.

Cristina Decena nailigtas ng mamahaling bag

Lamang muli ng mga TV news prog­ram, mapa-diyaryo — broadsheets at tabloids — ang dating partner ni Phillip Salvador na si Cristina Decena. May nagtangka kasing pumatay sa isang failed ambush sa businesswoman at kanyang son.

Parehong hindi nasaktan ang mag-ina dahil nakaiwas sila. Ang tanging nasugatan ay ang kasama nilang kasambahay na hindi naman malubha.

Dalawang lalaking naka-motor ang bumaril sa kanila. Ang tinamaan ay ang kanilang sasakyan na nabasag ang mga salamin at ang mamahaling bag ni Cristina na tinadtad ng butas. Siguro ito ang nagligtas sa kanya.

Maraming taon nang hiwalay sina Kuya Ipe at Cristina at pareho na silang nananahimik sa kani-kanilang love life. Si Cristina, nagpakasal pa sa isang TV comedian at naghiwalay din naman.

Anak nina Sunshine at Cesar nato-trauma

Lumalala ang away nina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Sana gawin na lang nilang private ang bangayan. Iwasan na pagpistahan sila ng media, na sa bawat kilos ay may ka-join na mga TV camera at reporter.

Meron silang mga anak na may isip na, na siyang labis na maaapektuhan ng kanilang nakahantad na pagpapalitan ng akusasyon. Kawawa naman ang mga batang magdudusa sa trauma na hindi tulad ni Sunshine na laging naka-smile kapag nakaharap sa camera.

Ekstra dinumog ng mga senior citizen?!

Isang beki report ang natanggap ko through text na may on the spot coverage sa isang cinema kung saan palabas ang Ekstra.

“Dinumog ng mga senior citizen ang Ekstra,” report ng bading sa text. “Libre kasi sila sa mga sinehan.” Upang makumpleto ang panunuya, ang ending ng mensahe ay “Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” na tila tuwang-tuwa pa.

Uy, hitad, sa isang sinehan ka lang nagmasid. Higit na may valor sana ang iyong report kung nilibot mo ang lahat ng cinema sa Metro Manila. Tiyak akong Noranian ka at gusto mo lang manira.

vuukle comment

CESAR MONTANO

CRISTINA

CRISTINA DECENA

EKSTRA

HINULUGANG TAKTAK

ISANG

REYNA

VICKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with