^

Pang Movies

Gretchen nag-expect ng award

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi naka-attend si Gov. Vilma Santos sa awards night sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival. Ang pinaka-alibi niya ay maaga raw siyang iinterbyuhin ng GMA 7 para sa Unang Hirit kinabukasan at ayaw niyang mapuyat. Pero may mga nag-iisip na dahil kaya sa hindi siya sigurado na siya ang magiging best actress kaya no show na lang siya?

Ang isa pang intriga, sumipot naman daw sa awards night si Gretchen Barretto thinking na siya ang makakakuha ng best actress trophy para sa The Diplomat Hotel.

Pero hindi nga siya ang nakakuha ng award kaya raw mainit ang ulo niya nang interbyuhin ng mga reporter pagkatapos ng affair. Napikon si Gretchen sa mga tanong sa kanyang pamilya kaya nanahimik na lang ang mga reporter.

Kempee bagay na patagong bakla

Si Keempee de Leon ang ipinalit bilang si Zandro kay Paolo Ballesteros sa My Husband’s Lover. Sigaw ng fans ni Paolo, sinulot daw ni Kempee ang role bilang pinsang bakla ni Vincent (Tom Rodriguez). Pero sabi naman ni Kempee inayawan daw muna ito ni Paolo bago napunta sa kanya.

In fairness kay Kempee, napanood namin ang performance niya at swak siya sa kanyang role bilang patagong bakla na nagdadamit na ng pambabae nang magbalik sa kanilang tahanan. Drama kung drama ang role niya at seryoso ang hitad!

Tiyak na maraming napaiyak na mga bakla si Kempee lalo na ang mga baklang ’di matanggap ng sariling pamilya o ng isang anak na binubugbog pa ng sariling ama.                                                                                       

 

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DIPLOMAT HOTEL

GRETCHEN BARRETTO

KEMPEE

MY HUSBAND

PAOLO BALLESTEROS

PERO

SI KEEMPEE

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with