^

Pang Movies

Iuuwi na rin daw ng bansa: Kumpirmado, young actress nanganak ng batang lalaki, kahawig pa ng amang aktor

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Totoo raw palang nanganak ang isang young actress sa abroad. Nakakumpirma ang pangyayari ng isang kaibigan sa panulat pero inilihim niya ang kanyang source.

Latter part of April nanganak ang girl. Lalaki raw ang anak at hawig ang bata sa ama’t ina kaya guwapo talaga.

Kahit walang kumpirmasyon mula sa showbiz couple, mas malakas pa rin ang hi­­nala ng marami na buntis ang girl nung ka­sag­sagan ng kontrobersiya sa kanya.Tikom din ang tatay ng bata tungkol dito.

Ang dagdag na balita, ikinukuha na ng passport ang bata upang madala na rito sa ating bansa. American citizen kasi ang tatay nito.

Vilma panalo sa pag-deglamorized ng sarili

Congratulations kay Gov. Vilma Santos-Recto na biggest winner sa katatapos na 9th Cinemalaya Independent Film Festival! Panalo na sa takilya, hinamig pa ng Star For All Seasons ang best actress award sa Director’s Showcase category ng movie niyang Ekstra: The Bit Player.

Hindi nakarating si Gov. Vilma upang personal na tanggapin ang kanyang tropeo. Sa message na ipinadala sa amin ng president ng worldwide fan club ni Ate Vi na si Jojo Lim, narito ang citation ng mga jury sa kanya bilang best actress.

“Santos was cited by the jury, ‘for her bold decision to deglamorize herself and take on the lowly role of the television and movie bit player; for the POLISHED and AMPLOMB with which she essayed the role; and for her POWERFUL CINEMATIC PRESENCE.’ Bravo, Vilma!”

Sa panalo ni Vilma, lalong nagpursigi ang mga Ayala cinema na nagtatanghal ng Cinemalaya entries na ilagay ang Ekstra sa daily screening nito kaya na-pull out ang ibang indie entry na ipinalalabas upang pagbigyan ang kahilingan ng moviegoers na mapanood ang pelikula ni Gov. Vi na laging sold out ang daily screening.

Pero huwag mag-aalala sa hindi pa nakakapanood ng Esktra dahil sa Aug. 14 ay iri-release na ng Star Cinema ang pelikula bilang bahagi rin ng 20th anniversary ng film outfit.

Congrats, Gov. Vilma and of course, kina Direk Jeffery Jeturian at Atty. Joji Alonso na siyang nakakumbinsi sa gobernadora upang pasukin ang mundo ng indie films!

Kim mang-aahas ng boyfriend?!

Sinuwerte na talaga si Kim Rodriguez mula nang palitan ang apelyido dahil bukod sa magandang pagtanggap sa kanya sa unang lead role niya na Kakambal ni Eliana, kinuha siyang muli sa movie ni Joey Reyes sa pelikulang dinidirek nito at meron pa siyang isang movie na ginagawa.

Lingid sa kaalaman niya, si Kristoffer Martin na isa sa mga kapareha niya sa afternoon prime ng GMA ay posible raw ma-in love sa kanya kung wala siyang girlfriend na si Joyce Ching. Eh siya ba, puwedeng ma-in love kay Kristoffer?

 â€œHahaha! Posible naman po kasi mabait naman si Kris­toffer saka ’yung pinaka… siya ’yung talagang naka-bond ko sa Eliana. Saka mabait po si Kristoffer,” pahayag ni Kim.

vuukle comment

ATE VI

BIT PLAYER

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DIREK JEFFERY JETURIAN

EKSTRA

ELIANA

JOEY REYES

JOJI ALONSO

VILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with