Charice nagtiwala na isabuhay ang istorya
Pumayag si Charice na ikuwento ang kanyang buhay, kasama ang kanyang kontrobersiyal na love life sa drama anthology na Magpakailanman ng GMA 7. Marami ang nag-akala na sa ibang TV network niya ipagkakatiwala ang kanyang kuwento. Pero nagwagi ang Magpakailanman na makuha ito.
At ang maganda pa ay si Charice mismo ang gaganap sa kanyang istorya. Kaya sa unang pagkakataon ay mapapanood na umaarte si Charice sa kanyang sariling life story.
Desisyon ng Pinay international singer ang ipakita sa marami ang kanyang pinagdaanan. Hindi na raw niya kailangan pang ikonsulta ang lahat sa kanyang pamilya.
May tiwala si Charice sa staff ng Magpakailanman na ipapakita ng tama at walang exaggeration ang kanyang buhay na marami ang interesadong mapanood.
Noranian na-convert ni Ate Vi
Big hit sa Cinemalaya Independent Film Festival ang Ekstra: The Bit Player na pinagbibidahan ni Batangas governor and Star for all Seasons na si Vilma Santos-Recto.
Umani ng maraming papuri ang pelikulang ito ni Jeffrey Jeturian. Bukod nga sa mahusay na pagganap ni Gov. Vilma bilang isang hardworking showbiz bit player, napansin din ang husay ng kanyang gumaganap na best friend sa movie na si Tart Carlos.
Si Rosario “Tart†Carlos ay host at stand-up comedienne ng comedy bars na The Library at Laffline pero lumalabas na siya sa iba’t ibang TV series sa GMA7, TV5, at ABS-CBN 2. Nakilala siya bilang ang kasambahay na si Doris sa long-running hit morning series na Be Careful With My Heart ng Dos.
Pero sa mga hindi nga nakakaalam na bagama’t lumabas ang bit player bilang best friend ni Ate Vi sa pelikula, galing pala sa pamilya ng mga diehard Noranian si Tart.
“Ang buong pamilya ko ay puro Noranians,†pagmamalaki niya.
“At ako po ay isinilang at lumaki na nanonood ng mga pelikula ni Nora Aunor at nakikipag-away sa mga fans.â€
Pero noong alukin nga siya ni Direk Jeffrey ng role sa Ekstra bilang best friend ni Ate Vi, hindi nakatanggi itong si Tart kahit na isang Noranian siya.
“Malayo pa ang Cinemalaya sinabihan na ako ni Direk Jeffrey na gagawa siya ng indie film with Vilma Santos.
“Noon pa man handa na kong gawin ’yun kahit walang bayad kasi Vilma Santos naman ang bida.
“Nang makilala ko si Ate Vi, ako ay na-convert! Hindi ko sinasabing ako ay hindi na Noranian. Pero ngayon, Vilmanian ako!†sabay tawa niya ng malakas.
Wala naman daw pagkakaiba ang una niyang makilala in person si Ate Vi sa pagkakakilala niya rin sa unang pagkakataon kay Ate Guy noong makasama niya ito sa teleserye ng TV5 na Sa Ngalan ng Ina noong 2011.
“Tulad kay Ate Vi, na-starstruck din ako kay Ate Guy nung nakatrabaho ko siya. Si Ate Guy, seryoso. Siya ’yung typical serious actress. Ang papel ko pa naman sa Sa Ngalan ng Ina, eh secretary ng asawa niyang si Bembol Rocco na laging inaaway ang character niya.
“’Tapos nandun pa ’yung anak niyang si Ian de Leon na laging nanunukso ’pag eksena na naman, sasabihin nya, ‘O ayan na si Mama’. Being a Noranian, kinakabahan ako lagi ‘pag eksena na namin,†pag-alala pa ni Tart.
Nakaka-relate ang komedyante sa kanilang pelikula dahil alam niya ang pakiramdam na maging isang ekstra sa tunay na buhay.
“Lahat pinagdaanan ko na bilang ekstra. Mapa-TV, pelikula, teatro, at sa TV commercials. Siguro fifty times na akong lumabas bilang katulong.
“Pero sa role ko as Doris nga ako mas nakilala at malaki ang pasasalamat ko kay Direk Jeffrey. Una kaming nagkasama sa Mundo Man ay Magunaw at sinama niya ako sa Be Careful With My Heart. ’Tapos dumating pa itong Ekstra. Natutuwa ako sa mga magagandang reviews ng pelikula namin,†pahayag ni Tart.
- Latest