^

Pang Movies

TV host mahilig magpasilip ng ‘secret weapon’

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Totoo ka, Indang Goreng. Maraming exhibitionist na celebrities. Unahin natin ang mga menchu. Isang TV host ang mahilig mag-display ng kanyang dapat itago, dahil nothing to tell mama about (duty free talaga), ng kanyang secret weapon sa toilet, kapag may mga nakakasabay na mga baklesh sa hilera ng mga urinal.

Ugali pa naman ng artista, pinatitilag ang kanyang kargada para ma-sight in full glory ng mga kafatid! Pero sa standard ni Direk na mahilig sa mga kabayong mola, pang-alis tinga lang ang pinagmamalaki niya!

Sa mga nakasabay na mga bading sa C.R., meron na silang list kung sino ang daks at never mind. Merong mga young actor on their list. Ang hindi matinag sa No. 1 ay ang veteran actor na former matinee idol. Kaya pala noong kanyang heyday, pinag-aagawan siya ng mga magagandang aktres at ng mga pinaka-rich na badaf.

Coleen Garcia nakilala lang nang ma-link kay Billy

Tigas ang pagkakaila ni Billy Crawford na may relasyon sila ni Coleen Garcia. Cynthia (sino siya)? Maraming fans ang nagtanong.

Sa totoo lang, hindi ko pa talaga kilala kung sino si Coleen. Never ko pa siyang napanood sa TV, sa pelikula o kahit sa mga live at fashion show. Kung simple and pretty siya, tiyak na mahuhulog sa kanya si Billy Joe.

Ang mga type kasi ng singer/TV host ay ang mga chicks na beautiful pero hindi eksaherada ang ganda. ’Yun bang may understated qualities na habang tini­tingnan ay gumaganda at habang tumatagal ay lumalabas ang tunay na ganda ng ugali o inner beauty.

Piolo makikipagbakbakan sa Iron Man

Bukas na ang Iron Man 3 Triathlon race na gagawin sa Mactan, Cebu. Nakita na ng fans sa mga practice session si Piolo Pascual na kasali sa Timex team. Nakapulang tri-garment ang aktor at laging pinagbubunyi ng crowd kapag nagpapakitang gilas sa ensayo.

Inaasahang marami pang celebrities ang kalahok sa competition this Sunday. Makasali lang sa mga finisher si Piolo, malaking bagay na sa kanyang mga supporter, at ang makatapos man lang sa karera ang isang baguhan sa triathlon na tulad ni PJ. Bonggang-bongga na kung makapag-uwi siya ng trophy o medal sa kanyang unang malaking pagsubok.

Pinalitan ni Direk Joel magaling makisama

Si director Joel Lamangan ang bagong artistic director ng Gantimpala Theater. Pinalitan niya ang yumaong si Tony Espejo, who was a tough act to follow. Bukod kasi sa mahusay mamahala si Espejo ay well-loved siya ng lahat ng kasamahan sa tropa at pati ng mga nasa buong komunidad ng teatro.

Si Direk Joel, nagsimula bilang stage actor noong kabataan niya. Nasa cast siya ng inaugural production ng Gantimpala Theater noong 1978, Katipunan: Mga Anak ng Bayan.

Nakasali pa siya sa ilang stage productions ng PETA nina Cecille Guidote-Alvarez at National Artist for Film Lino Brocka.

Bago naging multi-awarded film director si Direk Joel, na tubong Cavite City, naging character actor siya sa maraming pelikula.

Unang stageplay na tinanghal ng Gantimpala Theater this season ang Ibong Adarna, which will be directed by Lamangan and Gantimpala board chairman Jun Pablo.

Masaya kami na hanggang ngayon ay very active sa teatro si Jun Pablo na noong nagsisimula pa lang ay pinanonood namin ang kanyang mga play sa sariling gallery in Makati City.

MTRCB sinita at nakipag-meeting sa production ng Goin’ Bulilit

Maraming salamat sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) at napagtuunan nila ng pansin ang Goin’ Bulilit, ang TV gag show na mga tsikiting ang lumalabas pero ang isa sa come on ay ‘‘for adults’’ also.

Noon pa kasi maraming nagrereklamo tungkol sa mga paksang gina­gamit sa show with minor performers na ang iba ay offensive at hindi dapat mapanood ng mga bata.

Tinawagan ni MTRCB chair Atty. Eugenio Villaroel ang lahat ng may kinalaman sa show, kasama ang producers, directors, scriptwriters. Sana kinumbida din ang mga piling children sa cast. Maraming makapagbigay ng magandang opinyon o magandang payo ang matatalinong tsikiting sa kanilang sariling show.

Baka sakaling malaman din ng MTRCB na napipilitan lang silang gumanap sa mga offensive na bahagi ng Goin’ Bulilit.

Please, isunod na rin ang Tropang Kulit.

vuukle comment

BULILIT

COLEEN GARCIA

DIREK JOEL

GANTIMPALA THEATER

GOIN

IRON MAN

JUN PABLO

MARAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with