Martin umaasa pa ring ibabalik ang tsinuging talk show
Wish ni Concert King Martin Nievera to grow old with a talk show, like David Letterman, kaya he’s hoping na i-reconsider pa rin ng ABS-CBN na ituloy niya ang kanyang Martin Late @ Night.
Hindi inilihim ni Martin ang disappointment niya nang after one season, inalis na ang show dahil kailangan daw ang timeslot niya ng Banana Nite na ngayon ay napapanood na every night.
Isa ito sa ikinuwento ni Martin sa presscon ng kanyang coÂming concert sa Smart Araneta Coliseum sa Friday, September 13 to celebrate his 30 years in showbusiness. Titled 3D (Tatlong Dekada).
Produced ito ng Viva Live Inc. at Redstone Media Productions at ididirek ni Rowell Santiago, musical director si Louie Ocampo at kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra conducted by Gerald Salonga.
Biniro si Martin kung magkakaroon din siya ng 30 guests tulad ni Ogie Alcasid na more than 25 guests ang magpi-perform sa 25th anniversary at birthday concert nito sa August 16. Wala pa raw siyang guests, pero his son Robin will be there and Pops Fernandez na siyempre pa ay part ng kanyang 30 years in showbiz.
Natanong si Martin kung wala siyang balak lumipat sa ibang network na makapag-bibigay ng late night show sa kanya, he cannot consider daw making lipat but if the network doesn’t need him anymore, he has to go. Ang ABS-CBN na raw ang naging home niya since he started his career sa first concert niyang Wanted Martin Live on August 21, 1983 sa Folk Arts Theater.
Mas malaki raw ang bayad libre pasyal pa
Aktor mas gusto nang mag-show sa abroad kesa gumawa ng teleserye
Star na at can afford na raw ang isang actor na after ng kanyang first teleserye na naging very successful sa isang network, tumatanggi na siya ngayong gumawa ng soap kahit pa mga sikat naman ang makakasama niya sa project. Mas gusto na raw niya ngayong kumanta at mag-show abroad dahil malaki na ang kanyang kita, nakaka-travel pa siya kaya enjoy siya.
MHL panay ang pasasalamat
Kakaiba na ang kasikatang natatanggap ng be-kiserye na My Husband’s Lover dahil simula nang mapanood ito, for 37 days now nagti-trending ito gabi-gabi sa Twitter. Kaya naman patuloy na nagpapasalamat sila sa pamamagitan ng Kapuso Mall shows. Ngayong Thursday, sa Cebu pupunta sina Dennis Trillo, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Kevin Santos, Ms. Kuh Ledesma at sina Bettina Carlos at Victor Basa ang magho-host sa Gaisano Mall Mactan at 3:00 p.m. at sa SM Cebu at 5:00 p.m.
- Latest