^

Pang Movies

Bida nakialam sa props ng supporting star, ayaw makatulad sa gagamitin

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkaroon pala ng tarayan sa set ng isang movie na nagtatampok sa malalaking artista. Hindi naman bonggang-bonggang tarayan ang naganap kaya iilan lang ang nakaalam ng balita.

Dumating din kasi sa set ang isang artista na matagal na rin sa showbiz pero mas madalas na support lang ang role niya. Nagkaayos na ang nasabing artista at ready to shoot na kumbaga.

Nang dumating sa set ang isa sa mga bida ng movie, napansin ng isa sa mga bidang artista ang suot at gamit ng supporting star. Palihim niya itong nilapitan at binulungan na palitan ang props na gagamitin sa eksena.

Rason ng bidang artista sa supporting star, magkapareho sila ng props na gagamitin kaya ibahin niya ito. Hindi na lang umimik ang supporting star at sinunod na lang ang gustong mangyari ng bida.

 Eh kilala naman sa pagiging tahimik lang ng supporting star kaya hindi na niya pinalaki ang nangyari sa kanila ng bida.

Mon Confiado nakakuha ng Hollywood producers para sa int’l film na gagawin

Kagagaling lang ni Mon Confiado sa isang festival sa South Korea kung saan naghahanap siya ng foreign producer para sa dream project niya. Sinuwerte naman siyang makakita ng producer kaya naman matutupad na ang pangarap niyang makapasok din sa international movie.

“Surprisingly, na-amaze ang foreign producer sa hitsura ko. Akala nila, parang Andy Lau. Parang Hong Kong actor na Asian actor. ’Yun ang gusto nila dahil marami ng tisoy sa kanila.

“Kagabi lang ako dumating from Korea at ina­asikaso ko ang project kay Ato Bautista, ang Bad Blood, at nakakuha kami ng dalawang Hollywood producers na interesado. Paghahandaan namin ’yon. By September baka i-shoot namin. Ako ang lead actor. So, napakagandang pag-asa. Hope!” tsika ni Mon sa amin sa lunch na ipinatawag ni Atty. Joji Alonso.

Isa kasi si Mon sa main cast ng Diplomat Hotel na pinagbibidahan ni Gretchen Barretto na isa sa Cin emalaya projects na sinuportahan ng lawyer-producer.

Baka naman isang foreigner ang maging dyowa na niya after Ynez Veneracion?

“Sana. Why not? Hahaha! Mas maganda ’yon. Darating ’yon,” tugon ng character actor.

Feeling kasi ni Mon, married siya sa pelikula dahil na rin sa passion niya sa mundong ito.

YES! Editor nag-alala para sa manager, alagang artista hindi nakapasok sa Most Beautiful

Worried si Joan Maglipon na editor-in-chief ng YES! mag bago ipakilala sa media ang 2013 Most Beautiful Stars na project din ng Summit Publishing na siya rin ang overall in charge. Eh sa launching, present ang manager ng isang sikat na artista pero hindi siya nakasama sa listahan ng 2013 edition.

Eh, ayon kay Joan, ipinamahala na niya sa kanyang staff ang pamimili ng cover ng magazine. Mas hands-on daw kasi ang mga ito kaya kung sino man ang artistang mapili nila ay walang problema sa kanya.

Dahil maaga kaming umalis sa launching, hindi namin alam kung nabanggit ni Joan sa message niya ang occupational hazards. But for sure gagamitin niya ang gasgas na linya na, “We cannot please everybody.”

Anyway, sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang cover ng 2013 Most Beautiful ng YES! mag. After all, sikat naman silang artista sa telebisyon, huh!

vuukle comment

ANDY LAU

ARTISTA

ATO BAUTISTA

BAD BLOOD

BY SEPTEMBER

DIPLOMAT HOTEL

MON CONFIADO

MOST BEAUTIFUL

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with