^

Pang Movies

Anne inilaglag, Derek deretsahang sinabing mas maganda si Jasmine

- Vinia Vivar - Pang-masa

Gandang-ganda si Derek Ramsay sa nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith na kasama niya ngayon sa mini-serye niya sa TV5 na Undercover.

Deretsa ngang pag-amin ni Derek, mas maganda pa si Jasmine kaysa kay Anne at sinabi niya nga rin daw ito mismo sa bagets.

“Anne’s gonna hate me for saying this but I think Jasmine is more beautiful than Anne. Anne is beautiful but... I even told Jas, ‘you’re more good-looking than your sister.’

“Iba ’yung beauty ni Jasmine, mas Pinay. ’Yun ang gusto ko,” sabi ng hunk actor.

Pero kahit gandang-ganda siya sa kapatid ni Anne, hinding-hindi raw niya kakayanin ang magkaroon ng kissing scene or love scene sa bagets.

“She’s like a little sister to me. Hindi namin talaga kakaya­ning mag-kissing scene. It would be like incest. Anne and I used to be neighbors. Every time Jas would visit Anne from Australia, minsan pumupunta sila sa bahay ko,” paliwanag ni Derek.

Nakita raw niya si Jasmine na lumaki from a little girl hanggang sa ngayong nagdadalaga na ito. Pero hanggang ngayon ang tingin pa rin niya sa kapatid ni Anne ay isang batang paslit.

“Even when I act with her, I feel like I’m acting with a twelve-year-old because I look at her like that. She’s still a little girl to me, she’s like a little sister,” ulit pa ni Derek.

Pero paano kung mag-mature na si Jas, let’s say after five years?

“Well, tanungin n’yo ulit ako after five years. Jasmine really has to transform because when I see her like now she’s still the same Jasmine I used to see,” sagot ng Kapatid star.

Raymart palipat-lipat ng tirahan, Randy nagsalita na sa pananakit at hawak na video ng kapatid!

Nilinaw ni Randy Santiago sa presscon ng Raketeros na hindi totoo ang tsismis na sinasaktan ng kapatid niyang si Raymart Santiago ang asawang si Claudine Baretto.

“Walang maniniwala dun, ’di ba? As a brother siyempre alam ko ang karak­ter ni Raymart na hindi niya kayang gawin ’yun. Isipin mo na lang, ’yung kay Tulfo, pinagtanggol niya (si Claudine) eh. Isipin na lang natin ’yun. Napaaway pa,” komento ng singer at direktor ngayon ng Raketeros.

Tinanong namin siya kung wala ba siyang planong pag-ayusin ang mag-asawa. Ayaw naman daw niyang makialam dahil problema ’yun ng mag-asawa.

“Taga-himasmas lang kami dun pero siyempre, at the end of the day, sila naman ’yung magde-decide sa kanilang kinabukasan. Hindi naman natin alam kung ano ang nangyayari kapag silang dalawa na lang eh,” sabi pa ng kuya ng aktor.

When asked kung nasaan na si Raymart ngayon, sagot niya, “Nandun lang sa gilid-gilid, nakikitira.”

Saan nakikitira?

“Minsan, nasa amin, minsan na kay Rowell, minsan na kay Mama. Basta paikut-ikot lang,” dagdag pa ni Randy.

Tungkol sa sinasabi ni Claudine na video na hawak daw ni Raymart, walang alam si Randy doon at siya pa ang nagtanong sa amin kung anong klaseng video.

Hindi ba niya binigyan ng advice si Raymart sa relasyon tutal ay maganda ang pagsasama nila ng asawang si Malou?

“Actually, nasa babae ’yun eh. Ang sikreto ng bawat relasyon, nasa babae. Siguro, one thing kung bakit kami nagtagal kahit maraming mga tsismis at kung anu-ano pa, kapag napatunayan mong siya lang ang mahal mo, hindi ka iiwan.

“On our end naman, as much as possible, ayaw din naming nangyayari sa kanila (Claudine and Raymart) ’yun. Si Tita Inday (Barretto matriarch), nakakausap namin. Okay si Tita Inday. Kumbaga, ’pag away-mag-asawa, inasmuch na gusto naming ma-patch up ang relasyon nila, siyempre hindi naman tayo puwedeng makialam,” sabi pa ni Randy.

 

vuukle comment

ANNE

ANNE AND I

ANNE CURTIS

CLAUDINE

DEREK

NIYA

PERO

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with