^

Pang Movies

Bimby tumataba sa katitikim ng pagkain sa show ni Kris

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming nakakapansin na tumataba si Bimby Yap, bunso ni Kris Aquino. Marahil sa kakasama sa Kris TV na palaging pagluluto ang ginagawa sa show. Siyempre bawat tikim ni Bimby ay nakakadagdag ng timbang nga naman sa bata. 

Randy malungkot sa kanyang birthday

Sa shooting ng Raketeros ay nabanggit ni Randy Santiago na hindi niya akalaing magkasama-sama rin sila nina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Dennis Padilla, at Long Mejia na pare-parehong kalog kahit may kanya-kanya na silang pamilya. Tampok pa ang sexy at kuwela ring si Ruffa Mae Quinto.

Naikuwento rin ni Randy na medyo malungkot sila sa problema ni Raymart Santiago na nag-birthday kailan lang.

Say pa ni Mr. Shades, hindi siya naniniwala na magagawang saktan ng kapatid ang asawang si Claudine Barretto. Mabait daw ang utol niya at tahimik pa.  Nanghihinayang ang singer-TV host kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang married life nila.

Direk Maryo hindi napahiya kay Miggs

Masaya si Direk Maryo delos Reyes noong makakuwentuhan namin. Hindi raw siya binigo ng youngest alaga niyang eight-year-old star na si Miggs Cua­derno. Noong bigyan niya ito ng role sa Munting Heredera, satisfied agad si Direk sa ipinakitang acting ng bata.  Pero kahit mina-manage, mistula talagang anak na ang treatment niya kay Miggs, na dating Tonton Chua ang name.

May regular show na ang child star sa GMA, ang With a Smile na bida sina Christian Bautista, Michael Daez, at Andrea Torres na idinidirek ni Louie Ignacio. At si Miggs ang ipapalit kay Julian Trono sa Tropang Potchi simula Aug. 8. Malaki na kasi si Julian at nagbibinata na.

May dalawa na ring movie entries si Miggs sa darating na Cinemalaya Independent Film Festival, ang Purok 7 na directed by Carlo Obispo at ang isa naman ay ang Quick Change idinirek ni Edong Roy, Sr.

May isa pang utol si Miggs na nag-aartista rin, si Julia Chua.

Personal…

Nagbabagong anyo na ang kapaligiran ng Baliwag, Bulakan sa pamamagitan ng kauna-unahang lady mayor na si Dr. Carol Delloza. 

Nawala na ang mga nagkalat na tricycle at food vendors sa kalye. May hiwalay na lugar na sila ngayon.                                                             

vuukle comment

ANDREA TORRES

BIMBY YAP

CARLO OBISPO

CHRISTIAN BAUTISTA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS PADILLA

DIREK MARYO

DR. CAROL DELLOZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with