Instructional video ni Sen. Loren mapapanood sa SM theaters
Itinuloy na ni Sen. Loren Legarda ang special screening ng kanyang prinodyus na instructional video on disaster preparedness, ang Ligtas, na idinirek ng internationally-acclaimed filmmaker Brillante Mendoza. Napakaganda at napapanahon ang instructional video na magbibigay ng information sa mga pamilya at community sa panahon ng bagyo, baha, landslides, pagputok ng bulkan, lindol at tsunami o iyong pag-ahon ng malalaking alon sa mga baybayin. Nakipag-partner si Sen. Legarda sa SM Cinemas, through Steven Tan, na pumayag na ipalabas nila ang 17-minute video in between ng showing ng pelikula sa kanilang mga sinehan.
Tinawag ito ni Sen. Loren na audio-visual version of the Disaster Preparedness and First Aid Handbook sa pagpapatuloy ng kanyang advocacy na ma-educate ang mga tao kung paano maghahanda bago pa dumating at lumala ang mga kalamidad, lalo ngayon na panahon na naman ng tag-ulan at bagyo.
Pangalawa na itong video ng team-up nina Sen. Loren and Direk Brillante, ang una ay ang Buhos.
Ipamamahagi ni Sen. Loren at ng kanyang opisina sa Senado ang mga video na ito sa lahat ng mga barangay at school sa buong Pilipinas. Si Sen. Loren ay tinaguriang United Nations Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation.
My Super Kap next year na lang ipalalabas
Nag-decide na si Sen. Bong Revilla, Jr. na mag-back out sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Ang My Super Kap ang na-approve ng Screening Committee ng MMFF na makakasama sana niya sina AiAi delas Alas at Toni Gonzaga. Pero mahihirapan magtagpo ang scheÂdule ng dalawa niyang leading ladies pero kailangan na nilang magsimulang mag-shooting dahil marami itong special effects at ayaw ni Sen. Bong na madaliin ito para makahabol lamang sa festival. Itutuloy pa rin itong gawin ng Imus Productions pero hindi na sa festival at for next year na.
May dalawang naka-standby na pelikula ang Screening Committee na puwedeng ipalit just in case may mag-back out sa festival.
Binoy mataas ang rating
Congratulations sa cast and production staff ng Binoy Henyo dahil sa pilot episode pa lamang noong Monday, July 22, nakakuha na sila ng mataas na rating. Ayon sa AGB Nielsen, nagtala ito sa Urban Luzon ng 14 percent laban sa Annaliza, 13 percent. Sa Mega Manila ay nagtala ito ng 14 percent.
- Latest