^

Pang Movies

Dalawang indie actor pinaghahahanap, sangkot sa carnapping

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakalulungkot isipin na hindi pa man natatapos ang usapan doon sa sinasabing kaso ni Marco Morales na pagtakbo nang hindi nagbabayad sa mga hotels, may dalawa na namang indie male stars ang sinasabing sangkot daw ngayon sa carnapping at ang biktima ay ang mga “kaibigan nilang bading.” Ang dala­wa raw ay nagtatago ngayon matapos na masampahan ng ilang reklamo na tungkol sa mga itinakas nilang kotse.

Lovelife ni Kim apektado sa kanyang mga naging problema

Inamin nina Kim Chiu at Xian Lim na medyo malakas ang pressure sa kanila nang gawin ang pelikulang Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo. Lalo pa raw tumindi ang pressure nang manalo sila sa isang popularity contest na isinagawa ng isang social networking site.

Bagama’t inamin nila na ang nakukuhang boto roon ay hindi naman masasabing guage na nga, dahil may mga taong maaaring magpadala ng boto para sa kanino man nang limapung beses isang araw sa pamamagitan ng text votes, mas napatunayan naman noon na marami silang mga die hard fans dahil naiboto nga ang kanilang love team bilang number one. Kahit na sa totoo lang, sinasabing tumaas ang popularidad ni Kim dahil sa kanilang love team noon ni Gerald Anderson, mukhang nakakapantay na roon ang popularidad ng team up nila ni Xian.

Kaya nga inamin din naman ng kanilang director na si Joyce Bernal na ang totoo ay talagang pinagawa siya ng isang proyekto na ang mga stars ay sina Kim at Xian, dahil sa paniniwala ng Star Cinema na may kakayahan ang dalawa na makagawa ng isang hit na pelikula, at iyong material nga raw nila na batay sa libro ni Ramon Bautista ay dumating na lang later. Kaya ibig sabihin ang matibay na puhunan diyan sa pelikulang iyan ay iyong love team, hindi iyong istorya.

Pero sinasabi rin naman ng dalawa na nani­niwa­la silang malaking bagay ang istorya ng ka­nilang pelikula, dahil alam nila na ang kuwento ang siyang magbibigay kilig sa kanilang mga fans.

Pero sa tuwing mababanggit ang “toto­ong bu­hay” mukhang umiiwas pa ang da­lawa. Sa parte ni Kim, hindi mo rin naman siya masisisi dahil sa kanyang past experiences, at saka bata pa naman siya talaga para maging seryosong muli sa mga love affairs. Aywan lang si Xian.

Kiko inaakusahang walang utang na loob porke gustong layasan ang manager

Aywan kung bakit nagiging issue ngayon ang pagpapalit ng manager ng actor na si Kiko Estrada. Kinausap daw kasi si Kiko at ang ermat niya ng Star Magic, at sinabing gusto nilang sila na ang mag-handle sa career ng actor. Wala naman siyang kontrata sa dating tumayong manager niya, kaya nga legally walang problema kung lumipat siya sa Star Magic.

Ngayon lang ginagawa na namang issue iyong “utang na loob.” Bakit nga ba kung ang isang artista ay nagpapalit ng manager, laging ginagawang issue ang “utang na loob.” Bakit pagka ang manager napapabayaan ang artista at walang nakukuhang project hindi rin masabi na wala siyang utang na loob. Hindi ba pinagkakitaan din niya ang artista? Hindi ba utang na loob din iyon?

 

AYWAN

BAKIT

BAKIT HINDI

CRUSH MO

GERALD ANDERSON

JOYCE BERNAL

STAR MAGIC

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with