^

Pang Movies

GMA records hindi ini-offer kay Ogie kaya lumayas

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Atty. Felipe L. Gozon has a big heart kaya nang humingi ng tulong sa kanya si Ogie Alcasid, kahit wala na siyang contract sa GMA Network, pumayag siyang mag-promote ng kanyang 25th anniversary and birthday concert na I Write The Song sa August 16 sa SM Mall of Asia Arena ang singer-actor sa mga shows ng GMA. Sabihin daw lamang kung kailan para ma-schedule ang promo niya. Naglakas-loob si Ogie na magsabi sa Chairman at CEO ng GMA dahil wala pa raw naman siyang pinipirmahang contract sa TV5.

Isa raw reason ni Ogie sa paglipat sa TV5 dahil siya ang mamamahala ng music department ng Kapatid Network. May mga nag-comment tuloy na bakit hindi ini-offer kay Ogie na siya ang mag-head ng GMA Records para naman magkaroon ng albums at makilala ang mga singers ng network. In fairness nga naman, mara­ming mahuhusay na singers ang GMA, iyong iba nabibigyan ng isang album pero wala namang promo kaya hindi na ulit nasusundan. Ang iba naman, kahit hindi mahuhusay talagang kumanta, pero sinusugalan ng ibang record company kaya nakikilala at bumebenta.

Nag-issue na ng official statement ang GMA na nagpapasalamat kay Ogie sa may 18 years na pag-stay nito sa network.

Contract starng isang network, ayaw nang mag-renew ng kontrata

Natawa kami sa nalaman namin na isang contract artist ng isang network na siya pa ang nagsabi na huwag na siyang i-offer-an ng bagong contract dahil wala na siyang balak mag-renew sa kanyang mother studio ngayon. Alamin na lamang natin kung sino ang mawawala sa isang network na hindi na nag-renew ng contract sa kanila.

Andrea sinisisi sa pakikipaghiwalay ni Christian sa GF

No wonder na todo-emote si Christian Bautista sa isang eksenang napanood namin sa morning rom-com drama ng GMA 7 na With a Smile dahil totoo palang nag-break na sila ng kanyang Russian-Romanian girlfriend na si Carla Dunareanu. Ang eksena kasi, dapat ay wedding anniversary ni Aston (Christian) at ng kanyang girlfriend, pero sa araw ng kasal, hindi siya sinipot nito kaya since then, naging woman hater na si Aston at tuwing sasapit ang araw na iyon, iniiyakan pa rin niya ang pag-iwan sa kanya ng girlfriend.

Kaya nagtaka si Andrea Torres, ang katambal ni Christian sa show, kung bakit siya ang sinisisi sa paghihiwalay nina Christian at Carla, hindi raw naman niya alam na nag-break na ang dalawa.  Nga­yon, sila na ang tinutukso sa taping.

 

vuukle comment

ANDREA TORRES

ASTON

CARLA DUNAREANU

CHRISTIAN BAUTISTA

FELIPE L

GMA

I WRITE THE SONG

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with