^

Pang Movies

Paulit-ulit na lang daw Bea nao-offend na sa isyu ng kasalan nila ni Zanjoe

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Going stronger ang relationship ng Kapamilya stars na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo at nakakatuwa dahil isang golf tournament na tinawag na Z Cup ang inihanda ni Bea bilang regalo sa kanyang sweetheart. Ginanap ito sa Capitol Hills Golf and Country Club sa Quezon City. And as usual, hindi pa rin nakaligtas ang dalawa sa usisa ng press ukol sa pagpapakasal nila soon.

 â€œAlam mo, nakakaloka na ’yang mga kasal na ’yan! Buti sana kung laging positive ’yung mga nasusulat. Hindi naman positive,” bungad ng aktres.

Minsan nga ay na-offend na siya dahil paulit-ulit na ang issue at pinalalabas pang sinungaling sila.

“Nakakaloka lang minsan ’yung mga kumakalat na ’di totoo. Minsan nakaka-offend din. Kung mayroon namang ganyan, malalaman naman ninyong lahat.

“’Di naman namin ipagdadamot ’yan, lalong ’di namin ipagdadamot sa ibang kumpanya ’yan. “Malayo pa kami doon. Alam mo kasi we have all the time in the world para pag-usapan ’yan, para gawin ’yan.

“Ayaw naming i-skip itong stage na ito kung saan dapat nag-e-enjoy kami. ’Di muna kami magdya-jump into another level,” paliwanag pa ng aktres.

Ano nga ba ang sikreto nila’t nananatiling matatag at matibay ang kanilang relasyon?

“Two years pa lang kami actually pero parang feeling ko more than ilang years na rin kaming mag-boyfriend ni Zanjoe eh.

“Suportahan lang, as long as nagkakaintindihan kaming dalawa, as long as we bring out the best in each other, ’yun ang importante,” sagot ni Bea.

Samantala, tungkol sa career ni Bea, isang pelikula na katambal si Dingdong Dantes ang nakalinyang susunod niya sa Star Cinema. Excited naman ang aktres sa pagtatambal nilang ito ni Dingdong na unang nakasama na ni Zanjoe sa pelikulang One More Try.

“Ang dami kasing naikuwento sa akin ni Z na good things about Dingdong.

“So far, dalawang beses ko pa lang siya naka-meeting and nakikita ko na ’yung mga sinabi ni Z.

“He’s very professional, very responsible, parang easy to get along with. Parang hindi siya mabigat na kasama, katrabaho. So, I’m really excited. I’m truly excited.

“Gaya ng sinabi ni Z, gusto kong may maipakitang bago na baka ’yung bagong maipapakita na ’yun, bagong chemistry with another guy, na hindi lang ’yung usual na ginagawa ko na trabaho ko,” pahayag ng tisay na aktres.

Ang A Beautiful Affair ang huling seryeng ginawa ni Bea katambal si John Lloyd Cruz. Marami ang nagtatanong kung may serye bang gagawin ang aktres ngayong taon?

“Mayroon, September, last quarter. After ng movie ko with Dingdong,” balita pa ni Bea.                                            

vuukle comment

A BEAUTIFUL AFFAIR

ALAM

BEA

BEA ALONZO

CAPITOL HILLS GOLF AND COUNTRY CLUB

DINGDONG DANTES

JOHN LLOYD CRUZ

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with