^

Pang Movies

Female celebrity humarap sa interview na marumi ang mga kuko kahit hitsurang bagong ligo!

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi makapaniwala ang isang TV reporter sa female celebrity dahil kitang-kita nito ang mga maruruming kuko sa kanyang kamay.

Nagtataka naman ang reporter dahil dumating naman ang female celebrity na bagong ligo, malinis naman ang kanyang suot, pero noong makita ang mga kuko sa kamay, bukod sa ang kapal daw ng cuticle, maiitim daw ang mga nasa singit ng nails.

“Ano ba ang babaeng ’yan, nagbungkal ng lupa bago siya dumating dito sa presscon? Ayokong isipin na mga libag niya ’yang nasa mga kuko niya! Ang dirty tuloy niyang tingnan,” diin pa ng reporter.

Nakilala kasi ang female celebrity na walang masyadong arte sa katawan. Wala itong takot na lumabas na walang makeup sa mukha at simple lang kung manamit.

Pero kahit daw simple ito, tingnan naman sana niya kung malinis ang mga kuko niya.

“Kahit na sabihin pa niyang bagong ligo siya eh kung ang mga kuko niya ay parang naghukay siya sa putikan, nakaka-turn off naman iyon.

“Saka ano ba ang masama kung magpa-manicure ka man lang? Importante na makitang malinis ang mga kuko mo kahit na sabihin mong naka-focus naman ang tao sa mukha mo. Meron at meron pa ring titingin sa mga kuko mo.

“Ang nakakaloka, kung ganyan ang mga hitsura ng kuko mo sa kamay, what more ang hitsura ng mga kuko mo sa paa? Baka mas dirty pa iyon!

“Magkano lang naman din ang magpa-manicure at pedicure ’di ba? Baka makakuha pa siya ng sponsor dahil sikat naman.

“Huwag naman gawing katamaran ang linisin ang bawat parte ng katawan dahil mga artista sila,” pagtatapos pa ng nandidiring TV reporter.

                                                                                             

vuukle comment

ANO

AYOKONG

HUWAG

KAHIT

KUKO

MAGKANO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with