^

Pang Movies

Panibagong aksyon sa Team Animazing

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bibidang muli ang magagandang sailor soldiers sa  Sailor Moon R kasama ang mga duelist ng Yu-Gi-Oh Zexal at mga ninja ng Naruto Shippuden x2  sa bagong Team Animazing ng ABS-CBN simula ngayong Lunes (Hulyo 22).

Matapos gapiin ang Dark Kingdom, subaybayan naman ang panibagong adventures ni Usagi o Sailor Moon kasama sina Sailor Mercury, Sailor Venus, Sailor Mars at Sailor Jupiter sa pagdating ng dalawang bagong kalaban mula sa ibang planeta na sina Eiru at An. Layunin nilang higupin at ipunin sa Hell Tree ang lahat ng enerhiya sa mundo at sangkatauhan upang patuloy silang mabuhay at maghasik ng kasamaan.

Samantala, sundan naman ang pakikipagsapalaran ng batang si Yuma sa Yu-Gi-Oh Zexal patungo sa pangarap niyang maging ultimate duel champion.

Sa unang pakikipagtunggali ni Yuma sa duel, makikilala niya ang mystical spirit na si Astral na siyang gagabay sa kanya sa lahat ng kanyang laban. Bukod sa hangarin na maging pinakamagaling na duelist, lalabanan din ni Yuma ang evil duelers kagaya na lamang nina  Vetrix at Dr. Faker.

Pagkatapos ng maaksyong pakikipag-duel ni Yuma, ibang aksIyon naman ang ihahatid ng paboritong ninja ng bayan na si Naruto sa Naruto Shippuden x2. Muling tunghayan ang kanyang adventures para sagipin ang kaibigang si Sasuke Uchica na unti-unti nang nilalamon ng kasamaan dala ng kanyang galit sa mga Hokage.

 

vuukle comment

DARK KINGDOM

DR. FAKER

HELL TREE

NARUTO SHIPPUDEN

SAILOR

SAILOR JUPITER

SAILOR MARS

SAILOR MERCURY

YU-GI-OH ZEXAL

YUMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with