^

Pang Movies

Daniel may banta sa mga manliligaw kay Kathryn

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ok lang daw kay Daniel Padilla na mag-entertain ng ibang manliligaw ang kanyang partner sa Got to Believe na si Kathryn Bernardo, pero kailangang siguruhin ng kung sino man ang manliligaw ay nakakahigit sila sa kanya.

Mukhang may kabigatan ang statement na iyon ni Daniel. Kahit na sinasabi nga nilang wala naman silang relasyon sa ngayon, dahil nakatutok nga sila sa kanilang career at saka mga bata pa naman sila, para makapagsalita siya nang ganoon at magkaroon ng ganoong confidence, aba eh may pinanghahawakan na iyan.  Palagay namin kung hindi man sila mag-on, may usapan na sila tungkol sa kanilang relasyon.

Siguro nga naroroon na iyon, hindi lang nila gi­na­gawang pormal. Iyan iyong tinatawag na mayroon nang mutual understanding. Wala man silang usa­pang relasyon, nagkakaunawaan na sila. Dahil kung hindi bakit maghahamon na si Daniel na dapat ang manliligaw kay Kathryn ay mas nakahihigit sa kanya?

May nagsasabing baka naman kaya niya nasasabi iyon ay dahil magka-love team sila, pero sa palagay namin hindi eh. Sa nakita naming reaksiyon nila sa isa’t isa, mukhang totohanan na nga iyon, at kahit na magkaharap sila malakas ang loob ni Daniel na sabihing may gusto siya talaga kay Kathryn.

Para sa isang lalaki, lalo na at ngayon ay ganoon siya kasikat, at hindi natin maikakaila na may image siyang dapat pangalagaan at alam naman niya iyan, mahirap na magsalita nang may gusto ka sa isang babae kung hindi ka sigurado.

Singer na si Chris, dapat magpaliwanag

Nakakagulat iyong kuwento tungkol sa singer na si Chris Cayzer, na ikinulong ng Mandaluyong Police matapos siyang nagpilit na pumasok sa dalawang units doon sa Tivoli Condominium sa Mandaluyong.

Sa imbestigasyon ng pulisya, una niyang gustong pasukin ang isang unit, pero hindi siya nakapasok nang lumaban ang may ari at nakipagtulakan sa kanya para maisara ang pinto. Tapos pumasok naman siya sa isa pang unit, kung saan ang naiwan lang ay mga bata at ang kanilang yaya. Tapos nanood pa siya ng tv, na nagbigay naman ng pagkakataon sa yaya na makatawag ng pulis kaya siya naaresto.

Male star, ginamit lang ang starlet para makalibre ng tirahan

Hindi pa rin matanggap ng isang female star hanggang ngayon na iniwan siya ng kanyang male star boyfriend dahil sa gay benefactor. Talagang dead set ang male star sa kanyang career at kahit na ano gagawin niya para sa career niya. In the first place may sinasabi namang hindi talaga in love ang male star sa kanyang girlfriend, at niligawan lang niya iyon noon dahil wala siyang mapuntahan. Nag-live in sila sa bahay ng girlfriend, nakalibre nga naman siya sa rental. User ang male star.

vuukle comment

CHRIS CAYZER

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

MANDALUYONG POLICE

NAMAN

SILA

SIYA

TAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with