^

Pang Movies

Sarah hindi na mukhang ‘nanganak’

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami ang nakapansin na mas gumanda ngayon si Sarah Lahbati nang dumating ito sa bansa. Meron pang nagko-comment na hindi naman mukhang nagbuntis ang aktres dahil seksing-seksi pa rin at walang bakas na nagluwal siya ng bata. Mas mukha pa siyang fresh na fresh at in love na in love sa boyfriend niyang si Richard Gutierrez.

Pero magta-trabaho pa kaya si Sarah na alam naman ng lahat na may kontrata sa GMA 7 kaya hindi puwedeng lumabas sa ibang channel.

Kaso bibigyan ba siya ng trabaho?

Sabagay lagi namang to the rescue si Richard at pati na ang buo nitong clan lalo na sina Ruffa at Raymond Gutierrez na itinuring nilang part na ng pamilya nila si Sarah at maging si Annabelle Rama ay full support din sa dwoya ng kanyang anak. Parang ginagawa nga lang ni Richard na Quiapo ang Switzerland dahil paroo’t parito lang ang aktor para makasama ang kanyang nobya.

Jonalyn gusto na ring umarte kaso walang offer

Pumalakpak ang tenga ni Jonalyn Viray sa comment minsan ni Alden Richards na gusto niyang maka-duet ang singer. Sa rami nga naman ng magagaling ding singers ay siya pa ang naalala ni Alden na kumakanta na rin at may sarili na ring album ngayon.

Nagagalingan daw kasi si Alden sa boses ni Jonalyn na mas lalong ikinatuwa at ikinakilig ng singer na abot tenga ang ngiti sa sinabi tungkol sa kanya sa isang interview sa aktor.

Naikuwento ni Jonalyn na pagkatapos sa ere ng Party Pilipinas  ay nagkaroon na siya ng time na harapin ang self-titled album niya na may kung saan co-producer din siya with Creative Media Entertainment. Meron itong five cuts tulad ng Nakita Kang Muli, Help Me Get Over,  Sa Piling Mo, You Keep Me Breathless, at Hello!

Masuwerte si Jonalyn dahil dalawa sa kanta niya sa album ay ginamit na theme songs sa teleserye ng GMA Network. Ang song version niyang  Nakita Kang Muli ay naririnig sa palabas na Padam Padam at ang kantang Help Me Get Over ay isa sa mga theme song naman ng My Husband’s Lover, parehong  hit ang mga nabanggit na serye sa  kanyang istasyon.

Kasabay na binuwag ng Party Pilipi­nas ang  La Diva, ang grupo  kung saan siya member kasama sina Aicelle Santos at Maricris Garcia na hindi lang kumakanta ngayon kundi nalilinya na rin sa pag-arte. Iniintriga tuloy si Jonalyn na napag-iiwan siya ng dalawa niyang kasama.

Katuwiran ni Jonalyn, thankful din siya sa isang banda sa paghihiwalay nila dahil mas marami silang nagagawang tatlo sa kani-kanilang career. Wish din niya na mag-try umakting kapag may nag-alok sa kanya. Pero never daw siyang na-insecure sa dalawa niyang dating kasama sa La Diva.

Nagpaplanong magkaroon ng show si Jonalyn para i-celebrate ang kanyang eighth anniversary sa showbiz mula nang manalo siya sa Pinoy Pop Superstar.

Ibinalita niyang na-renovate na raw niya ang napanalunan niyang bahay mula sa nasabing show.

Siya rin ang tumatayong breadwinner sa kanilang magkakapatid na ang isa ay nasa college na at third year high school naman ang nakababata niyang kapatid.

Kung kelan pa mas maraming oras si Jonalyn ay saka naman wala na sila ng kanyang boyfriend. Habang wala pa raw uli siyang love life ay alam ni Jonalyn ang kanyang priority ngayon — ayaw niyang matali sa isang relasyon at magtrabaho nang mag-trabaho na lang.

vuukle comment

AICELLE SANTOS

ALDEN RICHARDS

ANNABELLE RAMA

CREATIVE MEDIA ENTERTAINMENT

HELP ME GET OVER

JONALYN

LA DIVA

NAKITA KANG MULI

NIYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with