^

Pang Movies

Charice nag-iba na ng hitsura!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Iba na naman ang hairstyle ni Charice. Blonde na ito ngayon at isa na rin sa rason ng kanyang new look ay para maiwasan na rin na maikumpara siya kay Daniel Padilla.

“There are a couple of reasons (sa pag-iiba niya ng hairstyle). Una kasi tomorrow magkakaroon ng photo shoot para sa album ko, and second of all, siyempre since marami ring lumabas na comments na nako-compare kay Daniel Padilla, nako-compare sa ibang artists and everything,” say ni Charice sa panayam ng ABS-CBN news sa kanya.

Pero nilinaw naman niyang hindi naman siya nao-offend na maikumpara siya kay Daniel.

“Siyempre, Daniel Padilla ‘yan. Bad boy ng Pilipinas ‘yan eh. Kumbaga, nung narinig ko ‘yun, nung first na nakita ko ’yung (pictures nila na kinumpara), na-search ko. Hindi ko akalain na ganun din pala ‘yung hairstyle niya,” say pa ni Charice.

Cofradia hindi na itutuloy ni Julia

As we write this column ay nakatakdang magkaroon si Julia Barretto ng story conference para sa bago niyang teleserye. Yup, hindi na Cofradia ang gagawin niya tulad ng naunang napabalita kundi orihinal na drama series na titled Mira Bella.

Matatandaang nagkaroon ng announcement last May ang ABS-CBN na si Julia nga ang gaganap sa remake ng Cofradia na dating pinagbidahan ni Gloria Romero at Gina Alajar.

Kung bakit naiba ang plano ay sasagutin sa story conference but very thankful naman si Julia na habang wala pa ang serye ay binigyan siya ng training ground ng network sa pamamagitan ng Wansapanataym special niya.

“Sobrang thankful po ako sa ABS-CBN sa ibi­nigay nilang opportunity sa akin na maging part ulit ng Wansapanataym. Bukod po kasi sa nate-train ako lalo pagdating sa pag-arte, natuturuan pa po namin ng mabubuting asal ’yung mga batang manonood. Nakakaaliw po silang kasama sa set kasi para ko na rin po silang mga nakababatang kapatid. Ang babait po nila at professional katrabaho,” say ni Julia in her past interview.

Enchong ini-invest ang mga datung sa building

Bumilib kami kay Enchong Dee sa kanyang panayam sa Bandila sa Ikaw Na segment ni Boy Abunda dahil ang dami na pala niyang naipundar na galing sa kanyang wagas na pagtatrabaho bilang artista.

Imagine, at his young age (only 25), naka-acquire na pala siya ng isang five-storey building sa Cubao, Quezon City na pinauupahan niya ngayon at pinamamahalaan ng kanyang ina.

“Hindi ko akalain na sa edad na ganito ay darating ‘yon at makakapagpapatayo ako ng isang bagay na mamahalin ko. Hindi sa nagmamayabang ako, kung hindi gusto kong i-share sa tao na kaya n’yo rin basta may sipag at tiyaga,” katuwiran ni Enchong.

No wonder, ang sipag-sipag ng aktor at sa totoo lang, isa siya talaga sa mga artistang walang “pasaway” issue at pinupuri sa industriya dahil sa dedication niya sa trabaho.

Aminado ang aktor na talagang hindi niya pinalalampas ang mga oportunidad na dumarating sa kanyang buhay.

“Lahat naman ito temporary lang so, ini-enjoy ko lang kung ano ang mayroon ngayon, grabbing all the opportunities na dumadaan sa akin,” saad pa ng aktor.

 Sobrang visible naman talaga ni Enchong ngayon. Katatapos lang niya ng successful movie, Four Sisters and a Wedding na kasalukuyan pang showing sa mga sinehan, at heto’t may ipalalabas ulit siya sa July 17, ang Tuhog ng Skylight Films.

 Sa TV ay wala ring break ang aktor dahil pagkatapos na pagkatapos ng Ina, Kapatid, Anak ay nai-cast agad siya sa Muling Buksan ang Puso na nagsimula nang umere last Monday.

 

 

 

vuukle comment

CHARICE

COFRADIA

DANIEL PADILLA

ENCHONG

JULIA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with