Female celeb na ginawang alila ng aktor na boyfriend, single na uli!
Lungkut-lungkutan na naman ang female celebrity na ito dahil nawala na naman ang kanyang lalake na isang drama actor.
Pinag-awayan daw nila ay ang hectic schedule ni female celebrity na bigay ng manager nito dahil sa pagbabago ng image nito.
Nagalit daw ang trying hard na drama actor dahil ayaw niyang nawawalan ng oras sa kanya si female celebrity. Gusto nito ay kapag kinailangan niya ito, kahit na anong oras, ay makakarating ito.
Pero dahil busy na ang career ni female celebrity, hindi na ito nakakarating tuwing tatawag ang drama actor. Mas ginagawang priority na ni female celebrity ang kanyang bagong career kesa sa tumanga siya at magbabad sa condo ng drama actor.
“Buti nga ‘yan para ma-realize ng lalakeng ‘yan na hindi laruan ang girlfriend niya,†sey ng isang close sa female celebrity.
“Kapag kailangan lang naman niya na may maglinis ng condo niya o ipagluto siya, dun niya tatawagan si female celebrity. Ginagawa niyang maid.
“Minsan naman tatawagan niya ng dis-oras ng gabi kasi nga kinakati siya at kailangan niya na may ma-dyug. Ending, ni hindi niya maihatid si female celebrity sa lobby ng condo niya. Para tuloy cheap na pokpok na bumababa si female celebrity pagkatapos siyang pagparausan ni drama actor.
“Kaya buti na lang at may pinagkakaabalahan na career itong si female celebrity. Wala na siyang excuse para puntahan ang walang kuwenta niyang boyfriend.â€
Dahil sa hindi na mapagbigyan ni female celebrity si drama actor, nagsimula na silang mag-away. Tatawagan lang ni drama actor si female celebrity para lang sigaw-sigawan ito.
Kaya tuwing tatawagan siya, hindi na lang ito sinasagot ni female celebrity dahil masisira lang daw ang mood niya sa trabaho.
Hindi na rin sumasagot pa si female celebrity sa text si drama actor. Sinabi na lang niya sa kanyang manager na “single†na siya ulit at wala na siyang iintindihin na ibang tao kundi ang sarili na lang niya.
Pinoy sa The Apprentice, pinatalsik na
Natsugi na ang isang Pinoy na contestant ng The Apprentice Asia na napapanood sa AXN channel.
Napauwi na si Celina Le Neindre dahil ayon sa Malaysian tycoon na si Tony Fernandes ay hindi siya effective na team leader.
Pero kahit na natanggal na sa show si Celina, kaagad naman siyang inalok ng trabaho sa Philippine office ng Air Asia, ang low-cost airline na pag-aari rin ni Fernandes.
Nanggaling ang offer para kay Celina mula sa Air Asia Philippines chief executive officer na si Maan Hontiveros. Gusto nilang i-hire si Celina dahil sa kanyang experience bilang food and beverage consultant. Doon siya ilalagay sa food and beverage department kung tatanggapin nito ang kanilang offer.
Malawak na ang experience ni Celina dahil nakasama nito ang kanyang ama na isang general manager ng isang large hotel chain.
Nagsimula nga ang 30-year old consultant bilang dishwasher at lavatory attendant sa isang hotel sa South of France bago niya narating ang pagiging isang food and beverage consultant ng isang steakhouse at nagtayo rin siya ng isang pasta bar na hinawakan niya for three years.
May isa pang Pinoy na naiwan sa The Apprentice Asia at ito ay si Jonathan Yabut, isang senior proÂduct manager ng isang pharmaceutical brand dito sa Pilipinas at isa sa pinarangalan bilang 2012 Mansmith Young Market Masters Award as one of the top seven marketers in the Philippines under the age of 35.
Magaling na singer na si Lauryn Hill, nasa kulungan na
Nagsimula na nga ang three-month prison sentence ng Grammy-winning singer na si Lauryn Hill. Sanhi ito nang hindi niya pagbabayad ng higit na $1 million in taxes.
Nag-report na si Lauryn sa federal prison in Danbury, Connecticut kung saan ilalagay siya sa minimum security. Isang open dormitory-style quarters ang paglalagyan ng singer at expected siya to work sa maintenance, food service and landscaping.
Naging sikat si Lauryn Hill bilang isang teenager na miyembro ng singing group na Fugees noong mid-‘90s at nakapag-release siya ng isang multi-platinum album noong 1998 titled The Miseducation of Lauryn Hill.
She pleaded guilty in 2012 for failing to pay taxes from 2005 to 2007. Meron din siyang mga unpaid state and federal taxes in 2008 and 2009.
- Latest