^

Pang Movies

Kaya pala nag-drama ang komedyante na gusto niyang mag-lie low Gandang Gabi Vice sisibakin na?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

If true na tatanggalin na ng new management ng TV5 ang mga shows nilang Talentadong Pinoy, Face to Face, at Ang Latest, over at ABS-CBN, may dalawa rin daw shows na mawawala. 

How true na nagpauna na lamang si Vice Ganda sa pagsasabing gusto niyang mag-slow down muna sa kanyang career dahil mas gusto niyang magkaroon ng time sa kanyang family, pero ang totoo, mawawala ang kanyang Gandang Gabi Vice?

Ang isa pang mawawala ay ang Toda Max dahil ayaw na itong balikan ni Robin Padilla?

Raymart dedma sa mga pinagsasabi ni Claudine

Knowing Raymart Santiago, tiyak na kung totoong may kinunan siyang video kay Claudine Barretto at sa mga anak nilang sina Sabina at Santino na na-trauma sila, hindi na iyon lalabas. Very private si Raymart at kahit anong padaplis na tanong sa kanya ng mga entertainment press na dumalaw sa taping ng Home Sweet Home, wala silang nakuhang diretsong sagot, lalo na kung tungkol sa real status niya ngayon.

Sa mga latest intriga sa kanila ni Claudine, like iyong hindi na sila magkasama, naiinis din ba siya?  Tao rin daw siya, pero anuman iyon, hindi raw niya dinadala sa trabaho, kailangan daw niyang mag-focus sa mga eksenang ginagawa nila, kaya hindi siya dapat magpaapekto. 

Tinanong din siya kung double celebration ba ang birthday nila ni Claudine sa July 20, pinaghahandaan daw niya ay ang birthday ni Santino sa July 19, hindi niya sinagot ang tungkol sa kanila ni Claudine. Basta siya raw, kung ano ang nandiyan, iyon ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Like kung walang work, nasa Red Garlic restaurant lamang si Raymart na inilipat na nila sa The Fort, wala na iyong sa Katipunan Avenue. Mayroon daw silang paella night sa Red Garlic at silang magkakasosyo ang nagluluto. Biro niya, hindi raw siya nag-aral ng culinary arts pero mahilig siyang magluto at isa sa specialty nila sa restaurant ay ang home cook niyang Spanish sardines.

May time rin si Raymart sa gym at ang diet niya to keep him fit, may weighing scale na ginagamit para balance ang kinakain niya.

Sa July 19 ay final episode na ng Home Sweet Home. Wala pa siyang alam na susunod na project dahil hindi pa naman sila tapos mag-taping.

 â€œHindi naman ako tumatanggi sa project na ibinibigay nila, pero alam naman ng GMA na gusto ko ay wholesome at kung maaari, it will cater to the children.  Kung dati ay per project ang contract ko sa GMA, ngayon, for the first time pipirma ako ng exclusive contract sa kanila.”

 

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

GANDANG GABI VICE

HOME SWEET HOME

KATIPUNAN AVENUE

NIYA

RAYMART

RED GARLIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with